Malupiton 101: Get to Know The TikTok-Famous ‘Bossing’ Who Captured the Internet’s Humor

Maingay ang pangalang “Malupiton” ngayon sa social media dala ng kaniyang mga nakakatuwang content kasama ang mga kaibigan na mas kilala sa grupong “Kolokoys TV.”

Pero sino nga ba si Malupiton at paano ito nagsimulang pumasok sa mundo ng social media? Alamin natin ‘yan sa latest vlog ni Ninong Ry, kung saan tampok ang masayang kainan at kwentuhan kasama si Joel Ravanera, a.k.a Malupiton.

Ninong Ry x Malupiton

Sa kanyang bagong YouTube vlog, ipinakilala ni Ninong Ry si Malupiton sa kanyang mga manonood. 

Matapos ipagluto si Malupiton ng paborito nitong Steak with Mashed Potato, umupo ang dalawa sa isang masinsinang kwentuhan.

Kwento ni Ninong Ry, una silang nagkasama ni Malupiton sa Team Payaman Fair Paawer Up noong 2023, ngunit matagal na aniya niyang nakikita ito sa social media dahil sa dami ng netizens na nagsasabing magkamukha daw sila. 

Who is Malupiton?

Ayon kay Joel Ravanera, nagsimula siya bilang content creator kasama ang mga kagrupo na “Kolokoys TV” na naglalayong magpasaya sa social media at maging stress reliever ng mga manonood.

Si Malupiton aniya ay isang malupit, maangas, at makulit na karakter na ginagampanan niya sa social media.  

Pangarap daw talaga niyang maging isang abugado ngunit kapos sa pera ang kaniyang pamilya. Madami ring pinasok na trabaho si Joel gaya ng pagtitinda ng turon, passport cover, at pagiging staff sa restaurant.

Kalaunan ay sumugal siya sa mundo ng content creation kahit hindi pa gaanong kumikita sa social media.

“Nag resign ako, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng income, hindi ko alam kung paano. Walang kasiguraduhan, sumugal talaga ako. Hindi ko alam mangyayari, Lord ikaw na bahala,” kwento ni Joel.

Taong 2022 aniya nang simulang pumasok ang malaki-laking income sa social media at dito na nila sinimulang seryosohin ang mga content na inihahain sa mga manonood. 

Kahit patok na patok sa netizens ang kanilang mga video, aminado rin si Joel na mahirap mag isip ng content na ilalabas araw-araw. 

Pero labis aniya ang pagpapasalamat niya sa oportunidad na ibinigay sa kanya sa social media at sa laki ng binago nito sa kanyang buhay.  

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

36 minutes ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

43 minutes ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

3 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

3 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

3 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

4 days ago

This website uses cookies.