Matapos ang ilang buwang paghihintay, naisilang na ang unico hijo ng mag-asawang Boss Toyo at Loves Jhoy.
Tunghayan ang ilan sa mga unang tagpo pagkatapos ipakilala ng mag-asawa ang kanilang anak na binansagang “Toyo Liit.”
Sa tagal ng pagsasama ng YouTube couple vloggers na sina Jayson Luzadas, a.k.a Boss Toyo at maybahay nitong si Loves Jhoy Maldo, sa wakas ay pinagkalooban ito ng supling.
Lingid sa kaalaman ng iba na isa sa mga hamon sa pagsasama ng dalawa ay ang kawalan ng tsansang magkaroon ng anak, na dati nang ibinahagi ni Loves Jhoy sa isang Facebook post.
“May mga doctor na nagsabi [na] wala akong pag-asa, tanggapin ko na lang! Sabi ko, ‘hindi ako naniniwala. Si God, nakikita n’ya ang puso ko,” aniya.
Minsan na rin itong nawalan ng anak habang nasa sinapupunan pa lamang ang sanggol.
“Lagi akong nagsisimba. Sabi ko, ‘God, nakikita mo ‘yung puso ko please. Allow me to be a mom again! I want to be a mom,’” dalangin ni Jhoy.
Matapos ang ilang beses na pag-subok mabuntis, matagumpay namang nakabuo ang mag-asawang Boss Toyo at Loves Jhoy.
Mayo nitong taon, ipinasilip ng mag-asawa sa netizens ang gender reveal sa kanilang panganay sa isang vlog.
Laking tuwa ng mga ito nang masaksihan ang paglabas ng mga katagang “It’s a boy,” senyales na lalaki ang kanilang panganay.
Apat na buwan matapos ang gender reveal, ligtas na naipanganak ni Jhoy ang kanilang unico hijo na binansagang “Toyo Liit.”
Sa isang Facebook post, ipinasilip ni Boss Toyo ang unang litrato ng kanyang mini-me.
“Thank you, Lord! Bouncing Toyo liit! [I] love you, Loves Jhoy!” aniya.
Mensahe naman ni Joy: “I love you my Toyo Liit! I’m a mom!”
Bukod kina Boss Toyo at Joy, labis din ang pagkagalak ng mga taga-suporta ng mag-asawa sa pagdating ni Toyo Liit.
Ipinadala rin ng mga malalapit nilang kaibigan sa industriya ang kanilang pagbati sa mga bagong magulang.
Smugglaz: “Congrats Papa! Welcome to the world, baby!”
Dane Grospe: “Waaahh! Congrats Kuys and Ate Jhoy!”
Patrick-Jospeh Ables: “Congrats papa Jayson at ate Jhoy!”
Sa kabila ng hagupit ng Bagyong Kristine sa bansa, partikular na sa rehiyon ng Bicol,…
Kamakailan lang ay ipinasilip ng mag-asawang Cong TV at Viy Cortez-Velasquez ang bagong tahanan ng…
To celebrate this year’s 11.11 ultimate sale, VIYLine has prepared deals and discounts that you…
The Team Payaman Fair craze is just around the corner, have you gotten yourselves a…
Bilang selebrasyon ng Halloween, nakiisa ang patuloy na dumadaming chikiting ng Team Payaman sa inihandang…
Opisyal nang lumipat sa kanilang bagong tahanan ang mag-asawang Cong TV at Viy Cortez-Velasquez. Sinalubong…
This website uses cookies.