Isang “malayo pa pero malayo na” moment ang hatid ng vlogger at negosyante na si Viy Cortez-Velasquez nang ipasilip nito ang estado ng kanyang mga sinimulang negosyo.
Tunghayan at kilalanin pa ang mga negosyong patuloy na pinapatakbo ni Viy sa tulong at gabay ng kanyang pamilya.
Hindi lingid sa kaalaman ng Team Payaman fans na isa ang asawa ni Viy Cortez-Velasquez sa mga naging instrumento at pundasyon ng VIYLine Group of Companies.
Ibinahagi ni Viy sa kanyang “Toni Talks” guesting noong 2022 na minsan itong nangutang ng sampung libong piso sa asawa nitong si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV.
“Una pa lang talaga, gusto ko na magkaroon talaga ako ng business. N’ung nagstart akong mag-vlog, gusto ko na rin simulan business ko kaso wala talaga akong pera,” kwento ni Viy.
Dagdag pa nito: “So sabi ko kay Cong, baka pwede akong maka-hiram ng ten thousand, pang-puhunan ko lang.”
Walang pagdadalawang isip itong pinahiram ni Cong upang masimulan ang kanyang pinapangarap na negosyo.
“Eh hindi rin naman mayaman si Cong n’un eh. Ang laman lang ng bangko n’ya n’on is P15,000 [tapos] binigay n’ya pa ‘yung P10,000,” pabirong kwento ni Viy.
Naisipan din aniya niyang magpa-meet and greet sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila upang makahakot ng mga customers.
“Dala-dala ko ‘yung mga [lip] tint ko, kasama ko pa ‘yung ate ko. Siguro nakakabenta ako ng tatlo kapag nakikipag-meetup,” saad pa nito.
Matapos ang limang taon, hindi maitatangging malayo na ang narating ng negosyong binuo ni Viy na noo’y VIYLine Cosmetics lang at ngayon ay VIYLine Group of Companies na.
Nagsibling inspirasyon sa nakararami ang Facebook post ni Viy na naglalaman ng napuntahan ng P10,000 puhanan ni Viy mula kay Cong TV.
“Ano nangyare sa 10k na inutang ko kay congtibee nung 2016! Tag nyo na mga asawa nyo na gusto nyong utangan” ani Viy sa nasabing post.
Dito ibinida ng VIYLine CEO ang mga napundar niya para sa nasabing negosyo gaya ng mga service vehicles, fulfillment center, warehouse, at dalawang building na nagsisilbing opisina ng VIYLine sa Biñan City, Laguna.
Mula sa VIYLine Cosmetics, patuloy na lumago ang mga negosyong ni Viy at nadagdagan pa ng VIYLine Skincare, TP Kids, Ivy’s Feminity, King Sisig in a Jar, at VIYLine Printing Services.
Kasabay rin ng paglaki ng VIYLine ay ang pagkakaroon ng iba’t-ibang mga fan meetup events gaya ng VIYLine Pop Store at Team Payaman Fair na inaayos ng VIYLine Media Group, na kanya ring binuo upang matulungan itong maipakilala ang VIYLine sa mundo ng social media.
Samantala, marami ang natuwa at na-inspire sa pagpupursigi ni Viviys pagdating sa kanyang sipag sa pagne-negosyo.
Mayroon ding mga sumang-ayon sa paghingi ng tulong o pamumuhunan, lalo na sa mga nais magsimula ng kanilang sariling negosyo.
Kris Sie: “Walang masamang umutang basta sa matino gagamitin at binabayaran. In my case, I use my credit card to fund my business. It’s one of the best swipe I did.”
Ash CT: “Same! Nangutang din ako sa asawa at naibalik din pagkalipas ng 5 months at hanggang ngayon, buhay na buhay ang business namin.”
Sa kabila ng hagupit ng Bagyong Kristine sa bansa, partikular na sa rehiyon ng Bicol,…
Kamakailan lang ay ipinasilip ng mag-asawang Cong TV at Viy Cortez-Velasquez ang bagong tahanan ng…
To celebrate this year’s 11.11 ultimate sale, VIYLine has prepared deals and discounts that you…
The Team Payaman Fair craze is just around the corner, have you gotten yourselves a…
Bilang selebrasyon ng Halloween, nakiisa ang patuloy na dumadaming chikiting ng Team Payaman sa inihandang…
Opisyal nang lumipat sa kanilang bagong tahanan ang mag-asawang Cong TV at Viy Cortez-Velasquez. Sinalubong…
This website uses cookies.