Isang taon matapos isilang ang unico hijo ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar na si Baby Isla, agad naman itong nasundan ng kanilang baby #2!
Alamin kung paano ibinahagi ng mag-asawang Gaspar ang magandang balita sa libu-libong Team Payaman fans.
Matatandaang nag bakasyon sa Bali, Indonesia ang Team Payaman upang ipagdiwang ang kaarawan ni mag-amang Marlon Velasquez Sr., a.k.a Papa Val at Junnie Boy, pati na rin ang unang kaarawan ni Isla Patriel Gaspar.
Sa bagong vlog ni Mommy Pat, ipinasilip nito ang ilan sa mga tagpo sa nasabing bakasyon kung saan napansin nito ang pagbabago sa kanyang pagkain at pag-uugali.
Unang una na ang asawa nitong si Boss Keng sa mga nakapansin ng mga nasabing pagbabago, dahilan upang magsuspetya ito sa kalagayan ng asawa.
Bukod sa kanyang mood swings, isa rin sa napansin ng dalawa ang cravings at dami ng pagkain nito.
“Kada kakain kami sa labas, e ang lakas ko kumain! Normal ‘din ba sa inyo ‘to guys?” tanong ni Pat sa mga manonood.
Nais matuldukan ng mag-asawa ang kanilang hinala kaya naman hindi na sila nagdalawang isip na gumamit ng pregnancy test upang masiguro ang lagay ni Pat habang nasa gitna ng bakasyon.
“It’s time to do the pregnancy test dahil delayed na ako, for like four days?” paliwanag ni Mommy Pat.
Bagamat hindi umaasa ang mag-asawa, bakas sa mukha ng dalawa ang pagkagalak sa posibilidad ng pagkakaroon ng bunsong anak.
“Kung negatice, ok lang din. Ok lang. Hindi naman sasama ang loob. Pero kung positive, eh di yehey!” aniya.
Sabay na inabangan nina Boss Keng at Pat ang paglabas ng resulta ng kanilang pregnancy test at hindi napigilan na maging emosyonal nang makitang positibong resulta nito.
“Sabi ko na eh!” reaksyon ni Pat.
“Kaya pala iba ugali mo” biro ni Boss Keng.
Watch the full vlog below:
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
This website uses cookies.