Team Payaman Breaks Silence About The Real Score Between PatAga

Isa ngayon sa mga inaabangan ng mga manonood ng YouTube live ni Viy Cortez-Velasquez ay ang tambalang nina Agabus Maza at Patricia Pabingwit mas kilala sa bansag na PatAga.

Sa kabila ng kilig, isang tagpo ang tila nagpalungkot sa mga taga-suporta nito na s’yang binigyang linaw ng mag-asawang Cong TV at Viy. 

PatAga: The Real Score

Nitong nakaraang araw, isang rebelasyon ang natuklasan ng mga manonood nang isiwalat ng isa sa mga malalapit na kaibigan ni Pat Pabingwit na si Karol Mañalac, na nagsisilbi ring Marketing Manager sa negosyo ni Viy na Viyline Group of Companies.

“Ito Karol, ang katotohanan! Babawasan ko ang sahod mo [‘pag ‘di ka nagsabi ng totoo] May iba bang nanliligaw kay Pat bukod kay Aga?” tanong ni Viviys. 

Sagot naman ni Karol: “Nanliligaw kay Pat? Wala.”

Ngunit nang tanungin ni Viy kung mayroon bang ibang kinakausap si Pat, hindi ito nakaimik dahilan upang makumpirma ang katotohanan.

Nang matunghayan ito ng mga manonood at solid PatAga supporters, hindi nila napigilan na madismaya at malungkot.

Ipinahatid ng mga ito sa comment section ang kanilang kalungkutan dahil sa pangambang ito na ang katapusan ng tambalang PatAga.

Nae Buitizon: “Di naman masakit parang kagat lang ng dinosaur. Raaaawr!!!”

Shaaii Marie AC: “Hindi naman masakit. [Si] Agabus may pag-bura pa ng post!”

Team Payaman’s Advice

Samantala, sa latest  YouTube live ni Viviys, hindi na napigilan ng grupo na mapag-usapan ang mga kaganapan sa tambalang PatAga. Kabilang sa mga nag diskusyon ay sina Cong TV, at Chino Liu, a.k.a Tita Krissy Achino, at Carlo Santos.

Bilang mga kaibigan ng dalawa, hindi nagdalawang isip na magbigay ng ilang payo sina Cong, at Chino para kina Pat at Aga.

“Ang pananaw ko dyan, hanggat hindi sinasagot ni Pat si Aga, wala siyang karapatang magselos,” ani Cong TV.

“Sa perspective ng babae, tama naman ‘yun, na mayroon kang ine-entertain as long as wala ka pa namang na-commit-an,” ani Chino.

Iginiit din ni Carlo na hindi na responsibilidad ni Pat na ipaliwanag pa ang kanyang panig sa estado ng panliligaw ni Aga.

Samantala, hindi rin nagdalawang isip na linawin ni Cong ang tunay na personalidad ng kaniyang video editor na si Aga, dahilan kung bakit marami ang nadidismaya sa kanyang pamamaraan ng panliligaw.

“Naiintindihan ko si Aga. ‘Pag ako kasama ni Aga, nakikita ko may pagkamahiyain talaga s’ya. Kaso kapag nanliligaw ka, dapat malayo sa bokabularyo mo ‘yung ‘introvert’ ka,” paliwanag ni Cong TV.

Sa kabila ng mga alegasyon at mga natatanggap na mga komento nina Pat at Aga online, may munting hiling din Cong sa mga manonood.

“Kapag nakita n’yo sila [PatAga], paki reverse ‘yung L, paki W. Hindi sila sanay na may sampung libong taong nagsasabi sa’yo na ‘L ka! L ka!’ Hindi sila sanay sa ganon,” aniya.

Watch the full live below:

Yenny Certeza

Recent Posts

EXCLUSIVE: Score Amazing Mother’s Day Deals from Viyline

Our moms, grandmothers, and even those who serve as mother figures in our lives deserve…

3 days ago

Anti-Higad Squad Core: Unforgettable AHS Moments That’ll Make You LOL

Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa YouTube livestream era ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Doc Alvin’s Secret to Younger-Looking Skin, Revealed!

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga hamon na kinakaharap ng ating balat araw-araw.…

5 days ago

Boss Keng’s Game Show Gets Real as Junnie Boy Fights for His Comeback

Matapos ang matagumpay na pilot episode, bumalik ang Team Payaman Wild Dog na si Exekiel…

5 days ago

Agassi Ching Finally Gets His Dream Toyota Prado After 8 Years of Vlogging

Isang bagong milestone na naman ang naabot ng Content Creator na si Agassi Ching matapos…

7 days ago

Turn Moments Into Memories with Viyline Print’s HQ Photo Canvas

Life’s full of unforgettable events. Milestones such as graduations, birthdays, weddings, anniversaries, must be kept…

7 days ago

This website uses cookies.