Viy Cortez-Velasquez Shares a Glimpse of their Recent Bicol Trip with Team Payaman

“Core memory unlocked” na naman para kina Viy Cortez-Velasquez ang kanilang pagbisita sa Baao, Camarines Sur nitong nakaraang buwan.

Tunghayan ang ilan sa mga tagpo ng kanilang masayang byahe sa Bicol kasama ang kanyang pamilya at ilang miyembro ng Team Payaman.

Cortez Family Visit

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Viy Cortez-Velasquez ang ilan sa mga kaganapan noong sila ay umuwi sa Baao, Camarines Sur para sa mental health seminar ng Strong Mind Foundation na pinangunahan ng kanyang ama na si Rolando Cortez.

Bago pa man maganap ang nasabing seminar, minabuti ng Pamilya Cortez na bisitahin ang ilan sa kanilang mga kaanak.

Bilang pagsalubong kina Viy, Cong TV, at ilang Team Payaman members, isang magarbong hapunan ang inihanda ng kanilang kamag-anak.

“Hindi ko alam na ganito ‘yung gagawin [na salubong sa inyo]” reaksyon ng ama ni Viy.

Sinalubong ng yakap at hiyawan mula sa mga sumusuporta ng Team Payaman ang grupo nina Viviys.

Game na game ring nakipagkulitan ang Team Payaman boys sa mga taga-Baao sa pamamagitan ng pag-sayaw.

“Pagdating rekta sayaw na!” biro ni Aaron Macacua, a.k.a Burong.

Bukod sa pagsalubong sa Team Payaman, nakiisa rin ang mga ito sa kaarawan ng isa sa mga kaanak ng Pamilya Cortez.

Strong Mind Foundation Spiritual Seminar

Matapos ang kasiyahan, nakiisa ang grupo nina Viy sa mental health seminar na inorganisa ng Strong Mind Foundation sa ilalim ng pamumuno ng kanyang ama.

Ang nasabing seminar ay ginanap sa Betania Retreat House, San Agustin, Iriga City, kung saan matapang na pinag-usapan ng mga dumalo ang reyalidad ng mental health.

Beach Trip

Isa sa mga hindi pinaglapas ng Team Payaman ay ang pagbisita sa ilang kilalang beach sa Bicol.

Bukod sa paglangoy, sumubok din ang mga ito ng ilang mga aktibidad na talaga namang kinagiliwan ng mga manonood nang ibahagi itop sa isang YouTube live.

Pagtambay sa dalampasigan, snorkeling, at island hopping ang ilan sa mga aktibidad na sinubukan ng grupo nina Viy.

Isa rin sa bumuo ng Bicol trip ng Team Payaman ay ang pagsubok sa mga potaheng gawa ng mga taga-Bicol.

“Overall experience ay talaga namang nasulit namin ang bakasyon, na kahit papano ay nakalimutan namin ang aming mga trabaho,” ani Viy.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
295
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *