Kamakailan lang ay bumisita sa Bicol ang Team Payaman, at bukod sa pagbabakasyon at pahinga, isa sa sinubukan ng grupo ay ang 4×4 off-road adventure hatid ng Peyra Brothers.
Ang Peyra Bros ay pinangungunahan ng magkapatid na Ryan at Jayson Peyra na naging YouTube content creators na rin dahil sa pagnanais na maibahagi ang kanilang kakaibang hobby.
Bago sumabak sa kakaibang adventure, nagkita muna ang grupo ng Team Payaman at Peyra Bros upang magkakilanlan. Binigyan din nina Ryan at Jayson ang grupo ng babala sa mga dapat nilang asahan sa nasabing aktibidad.
Kinaumagahan, nagtungo sina Cong TV, Dudut Lang, at Burong sa isang off-road trail sa Santa Teresita, Baao. Matapos kumain ng agahan at sinilip nila ang mga 4×4 units na gagamitin para sa kanilang off-road adventure.
“Race rigs natin ‘yan, capabale siya [dumaan] sa mga mahihirap na obstacle, na susubukan mo ngayong araw,” paliwanag ng Peyra Bros sa mga gagamiting sasakyan.
Sinilip din nila ang mga race track na dadaanan ng sasakyan at tinuruan ng mga technique kung paano malalagpasan ang mga obstacle na ito habang nagmamaneho.
“Gusto ko lang sabihin sa asawa ko na mahal na mahal kita!” biro ni Cong bago sumakay at sumabak sa off-road driving.
Matapos ang higit isang minutong off-road ride, masayang ibinahagi ni Cong ang kanyang karanasan.
“Hindi ko pa naranasan sa buong buhay ko yung ganung pakiramdam. Yung para kang kukunin ni San Pedro anytime,” paliwanag ng ng 32-anyos Team Payaman vlogger.
Sunod namang sumabak sina Burong at Dudut na hindi rin nakaligtas sa magkahalong adrenaline rush at kabang hatid ng off-road adventure.
Sa huli ay nagpasalamat ang Team Payaman sa Peyra Bros sa kakaibang experience na anila ay ituturing nilang “core memory” sa kanilang pagbisita sa Bicol.
Watch the full vlog below:
Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…
Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…
Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…
Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…
Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…
Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…
This website uses cookies.