Vien Iligan-Velasquez Explores Cooking Skills With Fellow Team Payaman Members

Bukod sa pagiging full-time parents, isa ngayon sa mga pinagkakaabalahan ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez ay ang pagbabalik-eskwela.

Kasabay ng mag-asawa ay ang ilang Team Payaman members na game na game ring nakiisa sa pagtuklas ng kani-kanilang talento sa pagluluto.

TP Goes Back-To-School

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, inanunsyo nito ang pagbabalik-eskwela kasama ang asawa na si Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, bilang mga culinary students.

“Kami po ni Junnie ay magba-back-to-school na. So, kami po ay mag-classmate sa isang culinary school!” kwento ni Vien.

Bago magsimula ang klase, nauna nang namili si Vien ng kanilang mga kakailanganin gaya ng mga notebooks at mga ballpen. 

Ayon kay Vien, nag-enroll sila sa The Culinary Arts International upang makalikom ng kaalaman at karanasan pagdating sa pagluluto.

Kasama rin ng mag-asawa sina Dudut Lang, Clouie Dims, Awi Columna, Steve Wijayawickrama, at Burong.

“Dadaan kami sa internship, dadaan kami sa graduation. Talagang estudyante kami! So wala talagang special treatment sa amin,” paliwanag ng dalawa.

Dagdag pa nito: “Maganda na rin na pinasok namin itong dalawa, kasi, ang sabi nga nila: never stop learning!”

The Culinary Class

Maaga pa lang ay naghanda na ang Team Payaman sa kanilang unang araw ng pagpasok bilang mga culinary students.

Isa sa mga pinag-aaralan nila ay ang ilang mga technique sa tamang paghiwa ng mga rekado.

Itinuro rin sa kanila ang mga klase ng kutsilyo na maaaring gamitin depende sa laki o liit ng mga hihiwain, na madali namang natutunan ng Team Payaman.

Nasubukan rin ng mga ito ang hands-on na paghihiwa, sa tulong at gabay ng kanilang resident chef instructor.

“Swerte naman ng first day, naghiwa agad!” komento ni Vien.

“Ang tawag kasi sa akin, advanced student!” pabirong sagot naman ni Burong.

Bagamat hindi naiiba ang set-up ng mga ito sa traditional culinary classes, nababalot pa rin ng saya at katatawanan ang kanilang muling pagbabalik-eskwela.

Matapos maghiwa ng mga rekados, nasubukan rin ng Team Payaman ang pagluluto at pagbuo ng kani-kanilang mga recipe.

Samantala, ipinahatid naman ng mga manonood ang kanilang pagkagalak sa kakaibang hobby na sinimulan ng Team Payaman.

@rizielgarcia3248: “Yes, tama! Never stop learning!!”

@quielcyren750: “More vlogs like this pls!! Kaenjoy”

@awicolumna: “Good job classmates!”

@IrishCobing: “Namiss ko na ulit ang cookery subject dahil sa vlog mo, ate Vien!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Inclusive Fashion: Ivy’s Feminity to Launch New Everyday-Wear Collection For Men and Women

Known for their Instagrammable and affordable women’s OOTD selections, Ivy’s Feminity is set to level…

1 day ago

Netizens Applaud Team Payaman’s Vienna Iligan’s Sunsilk Endorsement

Mula sa pagbabahagi ng kanyang “buhay estudyante” sa kanyang mga vlogs at TikTok content, isang…

3 days ago

Team Payaman Embarks on a Spontaneous 24-Hour Puerto Galera Trip

Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …

3 days ago

Top 5 Tips to Enjoy Team Payaman Fair 2024: The Color of Lights

This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…

3 days ago

Kidlat Core: 4 Times Kidlat Effortlessly Broke the Internet

Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…

5 days ago

Netizens Hilariously React to Cong TV and Kidlat’s Clingy Moments

Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…

6 days ago

This website uses cookies.