Team Payaman Boys Get Real and Emotional Looking Back at Their Humble Beginnings

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na sina Cong TV, Junnie Boy, at Boss Keng ang nagsilbing pundasyon ng isa sa pinakatinitingalang grupo ng content creators sa bansa, ang Team Payaman.

Sa likod ng kanilang nakakatawang batuhan ng mga linya sa vlogs ay ang emosyonal at hindi mapapantayang pagmamahal sa isa’t-isa. Lubusan pang kilalanin at tunghayan ang pagkakaibigang nabuo ng pangarap.

Bumpy Journey

Panibagong episode ang hatid ngayon ng “Offbeat” series sa YouTube channel ni Viy Cortez-Velasquez, kung saan tampok sina Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, at Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng

Gaya ng naunang episode kung saan bumida ang kanilang mga misis, laman ng nasabing serye ang mga katanungan na naglalayong maipakilala pa ang tatlo.

Taas noo namang sinagot ng tatlo ang katotohanan pagdating sa kanilang mga pinagdaanan bilang miyembro ng Team Payaman.

Unang naibahagi ang mga pangarap ring nais matupad sina Boss Keng, Junnie, at Cong.

“Gusto ko magkaroon ng maraming maraming business. Dati pa lang, may pangarap na kami [ni Junnie] na bar,” sagot ni Boss Keng.

Dagdag ni Junnie: “Marami kaming daydream na negosyo, marami kaming gustong gawin ni Keng.”

“Gusto ko lang maging vlogger. Gusto ko lang madiscover pa ‘yung ibang klase ng pagva-vlog,” ani naman ni Cong.

Brotherhood

Hindi naman napigilan ng Team Payaman boys na maging emosyonal nang hingan sila ni Viviys ng mensahe para sa isa’t-isa sa parte ng episode na tinawag niyang “YOLO-gy.”

“Boys, thank you for always being there with me since day one. To the both of you, you helped me fly. You helped me achieve everything that I have today, and you are the reason where we are as a group,” mensahe ni Cong para sa kapatid at brother-in-law.

Dagdag pa nito: “Kung sa family tree, God, asawa, at anak, kayo ang pangatlo.” 

Dahil dito, hindi napigilang maging emosyonal nina Junnie at Boss Keng nang marinig ang mensahe ng kanilang bossing.

Para naman kay Junnie: “Kay Kuya, salamat sa pagsama sa amin sa pangarap mo. Salamat kasi hindi mo ko tinigilan n’on [na sumama sa vlog mo]. Maraming salamat sa pagsama sa akin sa paglipad mo.”

“Kay Boss Keng, thank you sa pagiging kuya. Thank you!” mensahe naman nito para kay Boss Keng.

“Alam kong alam mo kung gaano kita kamahal, gagawin ko rin ang lahat, kapag nahirapan ka o masarap ang buhay mo, gusto ko kasama mo ako!” mensahe naman ni Boss Keng para kay Junnie.

Para sa mensahe nito kay Cong, “Sobrang hirap magkaroon ng kapatid, kaibigan, na katulad ng pinaparamdam mo sa amin. Alam kong nararamdaman mo ako, mahal na mahal kita [Bo]ssing!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Elevates ‘Sugod Nanay Gang’ Series In Barangay Edition

Matapos ang matagumpay na pilot episode ng ‘Sugod Nanay Gang,’ muling nagbalik ang Team Payaman…

12 hours ago

Team Payaman’s Burong Shares a Glimpse of Kontrabida Moves and Pickleball Fun

Sa pinakabagong vlog ni Aaron Macacua a.k.a. Burong, ibinahagi niya ang ilan sa mga kanyang…

12 hours ago

Doc Alvin Francisco Fulfills Dreams of Future Doctors Through Scholarship Initiative

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman resident doctor na si Alvin John Francisco sa kanyang YouTube…

5 days ago

Alex Gonzaga-Morada Surprises Husband Mikee Morada with an Office Visit

Sa pinakabagong vlog ng Filipino actress at comedian na si Alex Gonzaga-Morada, ibinahagi niya sa…

6 days ago

Netizens Applaud Pat Velasquez-Gaspar After Sharing First Hosting Experience

Bukod sa kanyang tungkulin bilang asawa at ina, ipinakita ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang skill…

6 days ago

Viyline Media Group Partners with Opulent Beauty for Team Payaman Fair 2025 in Cebu

Viyline Media Group is bringing its highly anticipated Team Payaman Fair to Cebu for the…

7 days ago

This website uses cookies.