sa ngayon sa tambalang Cong TV at Coach JM sa mga nagpapatawa sa mga solid Team Payaman fans online.
Tunghayan ang ilan sa kanilang mga kwelang tambalan na talaga namang nagpahalakhak sa mga netizens.
Hindi maitatanggi na naging malapit na rin ang si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, sa fitness coach na si JM Macariola. Nagsimula ang pagiging malapit ng dalawa matapos ang kanilang pangmalakasang fitness challenge noong nakaraang taon.
Bukod sa kanilang workout sessions sa gym, kulitan at katatawanan din ang ilan sa mga bonding nina Cong TV at Coach JM.
Sa isang TikTok video, ibanahagi ni Coach JM ang kwelang panggugulat niya Dudut Lang, dahilan upang umani ito ng mahigit 800,000 views.
Dahil marami ang natuwa, ilang mga netizens ang nag-request na gawin naman ito ni Coach JM kay Cong TV.
@regine: “Coach, kung matapang ka, gawin mo nga ‘to kay Cong TV hahaha”
Taas noo namang tinanggap ni Coach JM ang hamon at agad na sinubukang gulatin ang 32-anyos na Team Payaman vlogger, na kanyang ipinasilip sa isang TikTok video.
@jasonismyname: “Si Coach na malaki katawan natakot kay Mossing hahahaha”
@thecurlyboy: “Tawang tawa ako d’yan n’ung napanood ko ‘yan eh!”
Isa rin sa mga nagpahalakhak sa mga followers ni Coach JM sa TikTok ay ang pagtanggap nito sa hamon ng isang netizen.
@blueqt: “Coach, kung matapang ka, sapakin mo nga si Cong!”
Pagkabalik ni Cong sa Maynila galing Bicol, sinalubong ni Coach JM ang kanyang bossing ng isang tila makatotohanang sapak na mapapanood sa kanyang TikTok.
“Ay, welcome back!” hirit ni Coach JM.
@dinding: “Parang naging tunog bumbero si Mossing hahaha,” komento ng isa.
Samantala, sa isa pang TikTok video, marami ang natawa sa kakaibang POV o point of view na hatid ni Coach JM.
“POV: [I’m your] Gym partner,” aniya sa kanyang caption.
Habang patuloy sa pagbubuhat at pag-eehersisyo ni Cong, patuloy naman kanyang pagsayaw si ang resident Team Payaman fitness coach, na s’yang umani ng mga nakakatawang reaksyon mula sa mga manonood.
@y16zr: “Pasayaw-sayaw ka lang, si Agabus malapit na makipag-date kay Pat!”
Joshua Baylon Ynion: “Kulit mo coach hahaha”
@akoposimelay16: “Apaka kulit na ni Coach!”
@unknownname: “‘Yung coach mo na mahilig kang pahirapan tapos s’ya sayaw nang sayaw lang”
Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…
Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…
Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…
Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…
Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…
Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…
This website uses cookies.