Isang surpresa ang hatid ngayon ni Junnie Boy sa kanyang mga manonood matapos ianunsyo ang paglabas ng kanyang first-ever single at music video.
Anim na buwan na ang nakakalipas nang ipasilip ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, ang kanyang paghahanda para sa nilulutong proyekto.
Tatlong vlogs ang hatid nito sa kanyang YouTube channel na nagpapakita ng kanyang mga preparasyon para sa kanyang kauna-unahang kanta.
Una na nitong ipinarinig sa kanyang kapwa Team Payaman members ang tunog ng kanta sa kanyang ‘MELODI’ vlog.
Ang mga liriko naman ang sunod nitong pinaglaanan ng oras na ipinasilip nito sa kanyang ‘LIRIKS’ vlog.
Hindi rin nagdalawang isip si Junnie Boy na humingi ng opinyon sa kanyang mga kasamahan upang lalong mapaganda ang nilulutong awitin. Kanya ring ipinaliwanag ang kahulugan ng bawat lirikong inilalagay sa kanyang kanta.
Matapos mailapat ang mga liriko sa tugtog, taas noo itong sumabak sa recording, na kanyang ibinahagi sa kanyang ‘REKORDING’ vlog.
Matapos ang ilang buwang paghihintay, inanunsyo na ng nakababatang kapatid ni Cong TV na si Junnie ang paglabas ng kanyang first-ever single.
“Maririnig na sa Spotify mamayang 12 midnight!” ani Junnie sa isang Facebook post, Agosto 22 ng gabi.
Ang “Dalangin” ay isang kantang nagpapahayag ng pasasalamat at panalangin, pag-aalay ng pagpapahalaga ng isang taong nagmamahal.
“Wala nang hahanapin, pag-ibig mo’y sapat.
Ika’y aking dalangin, ang nadarama sayo’y tapat”
Napupuno ng sinseridad, emosyon, at personal na mensahe, dahilan upang maging mas nakakakilig ang obra ni Junnie.
Bumida sa music video ng kanyang kanta ang kapwa Team Payaman members na sina Carding Magsino, Awi Columna, at Danica Suazo.
Gaya ng tema ng kanta, ang music video ay patungkol sa kwento ng dalawang nag-iibigan na ang relasyon ay sinubok ng mundo.
Marami ang naantig at natuwa sa handog na bagong awitin at music video ng Team Junnie kung kaya’t ipinadala ng mga netizens ang kanilang mga pagbati.
@ruselleguiangpineofficial: “Solid Sulit Solve talagang kantang ito!”
@jiandre: “Ang ganda ng storyline! Kudos kay Boss Burs!”
@JayveeOgaya: “Damihan mo Kuya Junnie mag upload ng kanta ganda ng boses mo solid!”
@SherylButingan-wq5hv: “Omg ito talaga inaabangan ko eh. Narinig ko pa lang noon sa vlog ni Cong na mag-rerelease ka ng kanta, abangers n ako. Ganda! Congrats, Junnie Boy!”
Napagtagumpayan nina Junnie ang pagbuo ng nakakakilig na music video sa tulong ng mga sumusunod:
Director: Aaron Macacua a.k.a Burong
Asst. Director: Steve Wijayawickrama
Director of Photography: Clarence Rhene & Agabus Maza
Editor: Bods & Clarence Rhene
Mixer & Producer: Dionela
Master: Jan Fuertez
Mapapakinggan rin ang “Dalangin” by Junnie sa Spotify!
Watch the music video below:
Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ng content creator at celebrity mom na si Toni Fowler…
Isang nakakatuwang sorpresa ang ibinahagi ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang Facebook post nang ipakita niya…
Tunghayan ang ilang life update ng Team Payaman member na si Aaron Macacua, a.k.a Burong,…
Isa na namang masayang cooking serye ang hatid ng Team Payaman cook na si Jaime…
Ready to upgrade your makeup collection? Viyline Cosmetics is giving beauty lovers a treat with…
Sa isa na namang episode ng ‘Cooking Ina’ serye ni Viy Cortez-Velasquez, good vibes at…
This website uses cookies.