Ser Geybin Fulfill’s Best Friend’s Wish to be Featured in ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’

“Sa hirap at ginhawa.” Iyan ang mga katagang pinatunayan ng magkaibigang Ser Geybin at Ser Ogag matapos matupad ang isa sa kanilang mga pangarap.

Tunghayan ang pagtupad ni Ser Geybin na mapabilang sa isa sa mga episode ng news magazine show ng GMA 7 na Kapuso Mo, Jessica Soho.

The Buhawi Tragedy

Nitong Agosto lamang, napinsala ng matinding buhawi ang Cabanatuan, Nueva Ecija kung saan isa ang kilalang grupo ng mga vlogger na Capinpin Family sa mga tinamaan nito.

Sa isang TikTok video, makikita ang lakas ng hanging hatid ng buhawi na s’yang sumira sa ilang mga naipundar ng Capinpin Brothers sa kanilang tahanan na mas kilala bilang “CAMPinpin.” 

Nahagip ng kanilang mga security cameras pati na rin ng kanilang mga smartphone ang aktwal na pinsalang dulot ng buhawi.

Bagamat marami sa kanilang mga gamit ang winasak ng buhawi, malaki pa rin ang pasasalamat ng Capinpin Family na ligtas ang bawat isa sa kanilang pamilya.

KMJS Guesting

Dahil sa kakaibang karanasang ibinahagi ni Ser Geybin, ninais ng GMA 7 news magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) na makapanayam ang mga ito ukol sa nasabing trahedya.

Bago ang lahat, hindi nakalimutan ni Ser Geybin na isa ang pagiging guest sa KMJS sa mga pangarap niya at ng kaibigan nitong si Louie, a.k.a Ser Ogag na s’yang nakasaksi sa ng buhawi.

“May pangako kami sa isa’t-isa na sabay kaming aasenso, sabay kaming uunlad. High school pa lang kami napapanood na namin ‘yan [KMJS], and syempre, gusto namin ma-feature d’un!” kwento ni Ser Geybin.

Dagdag pa nito: “Kaya ngayong araw, tutuparin ko ‘yung pangarap namin na ‘yon na makita rin ang best friend ko sa Kapuso Mo, Jessica Soho!” 

Agad na pinagayak ni Ser Geybin si Ser Ogag bilang paghahanda sa kanilang interview para sa nasabing palabas.

Abot tenga naman ang ngiti nito nang malamang matutupad na ang isa sa kanilang mga pangarap na mapasama sa KMJS.

“Ma, andito na ako sa TV!” reaksyon nito.

Maya maya pa’y sinimulan na ang interview kay Ser Geybin, Chief Allen Capinpin, at Ser Ogag upang talakayin ang mapaminsalang buhawi.

Ilang araw matapos ang kanilang interview, sabay-sabay na inabangan ng Capinpin Family ang pag-ere ng nasabing episode sa telebisyon.

“Na-KMJS ka, isang hindi inaasahang pagkakataon!” bungad ni Ser Geybin.

Watch the full video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Clouie Dims Explore Vietnam’s Must-Try Foods with Team Payaman Girls

Isang masayang food adventure sa Vietnam ang ipinasilip ni Clouie Dims kasama ang kapwa Team…

5 hours ago

BEHIND THE SCENES: Team Payaman Fair 2025 VIYond The Beat Photoshoot

Matapos ang tatlong taon ng matagumpay na pagdadaos ng Team Payaman Fair sa Metro Manila,…

1 day ago

Ivy Cortez-Ragos’ Daughter Celebrates 7th Birthday With a Bang

The Cortez-Ragos family, better known as the RaCo Squad, happily celebrated their little princess, Samantha…

3 days ago

Strong Mind Foundation Third Spiritual Seminar: A Testament of Healing and Hope

Disclaimer: This article may contain triggering content on depression and suicide and is intended for…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Wows Followers with Her Vietnam Travel Photos

Talaga namang ‘living the pinterest dream’ ang vibe na hatid ng Team Payaman momma na…

5 days ago

A Fun Shopping Experience Awaits at VIYLine MSME Caravan Muntinlupa Leg

It’s that time of the month again, where Viyline MSME Caravan takes everyone’s shopping experience…

5 days ago

This website uses cookies.