Active Era: Here’s What Went Down During Team Payaman Girls’ First Fun Run Experience

Kung ang Team Payaman boys ay abala sa kanilang gym sessions, game na game namang sinimulan ng Team Payaman girls ang kanilang active era sa pamamagitan ng pagtakbo.

Ito ang ilan sa mga tagpong hindi mo dapat palampasin matapos ang kauna-unahang fun run experience ng Team Payaman girls.

TP Girls Active Era

Kamakailan lang ay nakiisa ang Team Payaman Wildcats na sina Clouie Dims, Venice Velasquez, Aki Angulo, Kevin Hufana, Eve Marie Castro, Tita Krissy Achino, Mau Anlacan, at Jai Asuncion sa nagdaang iRun na hatid ng Ludy’s.

Ayon sa TP Girls, ito ang kauna-unahang pagkakataong sumali sila sa fun run kung kaya’t buong galak nilang tinapos higit 5-kilometer run. 

Sa kani-kanilang mga social media account, ibinahagi ang mga ito ang kanilang mga naging karanasan sa nasabing fun run event.

“May first FUN iRun this year 🙂 @iloveludys . My heart is happy ❤️ #5K,” ani Eve Marie Castro sa isang Instagram post

Hindi naman nagpahuli si Kevin Hufana sa pag-post ng kanyang post-run selfie: “Magla-lava walk sa track, pero finisher pa rin ng 55K ang attack! Eme. #demure #mindful” 

Laking tuwa rin ng vlogger na si Jai Asuncion nang mapagtagumapayan nito ang kanyang kauna-unahang fun run.

“First run and definitely won’t be the last,” ani Jai sa kanyang post.

Nagbahagi rin ng kani-kanilang mga post-run selfies ang ilang Team Payaman girls suot ang kanilang mga finishers medal.

“Proud moments na naman with my friends!” pagbabahagi naman ni Venice Velasquez.

Netizens’ Reactions

Hindi naman napigilang batiin ng netizens ang Team Payaman Girls matapos nilang mapagtagumpayan ang kanilang kauna-unahang 5KM fun run.

@maekenzie21: “Pretty amazing! Road to fitness na ba yan? Happy to see you smile, enjoy lang!”

@joannamakii: “Self care is 😍 [love]!”

Ito na nga ba ang simula ng active at fitness era ng Team Payaman girls? Abangan!

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

11 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.