Boss Keng and Pat Velasquez-Gaspar Gear Up ‘Scholars’ With Back-To-School Essentials

Hindi pa man nag-aaral ang unico hijo ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar, isa ang mga pinsan nitong sina Jasmin at Jeriel sa mga sinusuportahan ng mag-asawa pagdating sa pag-aaral.

Dahil back-to-school season na ulit, kaya naman hands-on ang mag-asawang Gaspar sa pagbili ng mga school supplies para sa kanilang mga scholars.

Back-To-School Shopping

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, ang kanilang pamimili ng mga pangangailangan nina Jasmin at Jeriel sa pag-aaral.

“Kailangan natin bilhan ng mga gamit ang ating mga iskolar,” bungad ni Boss Keng.

Isang hamon ang nag-aabang sa mga iskolar ng mag-asawa nang tanungin ito ni Boss Keng kung ano nga ba ang mga kapalit ng ihahandog nitong mga gamit sa eskwela.

“Ano ang pwede n’yong gawin na kapalit para bilhan namin kayo ng mga gamit?” tanong nito.

Sagot ni Jasmin: “Good grades!”

Pagkadating sa bookstore, binigyan ni Boss Keng ng trenta minutos ang mga bata upang makapili ng kanilang mga kagamitan para sa eskwela.

Hindi magkamayaw ang dalawa sa dami ng kanilang pagpipiliang mga kagamitan gaya ng mga notebook, ballpen, pangkulay, at marami pang iba.

“Excited sila oh! Ang sarap pa naman n’yan, ‘yung ikaw ‘yung mamimili! ‘Di ko naranasan ‘yan,” ani Boss Keng.

Napagtagumpayan naman ng dalawa ang 30-minutos na pamimili ng kanilang pangangailangan sa tulong na rin nina Boss Keng at Pat.

Netizens’ Reactions

Hindi naman napigilan ng mga manonood na humanga sa handog ni Boss Keng at Pat sa kanilang mga pinsan, kung kaya’t inulan ito ng mga positibong komento mula sa mga netizens.

@MissYpp: “Swerte na talaga ng mga kabataan ngayon dati hindi ko din naranasan yan pero masaya makita na ma-heal yung inner child mo sa kanila”

@pinkcosmos7091: “As a mom yung reaction na lang natin ‘nung panahon namin wala namang ganyan ganyan.’ Pero bibilhan pa rin kasi iba na needs nila ngayon at masaya kang nabibili mo para sa kanila yung ‘di mo na experience noon.”

@Kylecyronne02: “Swerte mga bata ngayon. Kami, ‘pag kulang gamit yung dating notebook na may sulat pupunitin lang namin para may magamit dahil kapos sa pera.”

@longride7234: “Nakakamiss mamili hahaha dati binibili namin mga notebook na may picture ng artista or mga famous movie like spiderman or lord of the rings.  Tapos kung sino sa classmates niyo ang may frozen na nabaon ng tubig ay yayamanin hahaha tapos ang lamang ng lunch box mo ay hot dog na naka kulat na sa kanin or maling “

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman Embarks on a Spontaneous 24-Hour Puerto Galera Trip

Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …

19 hours ago

Top 5 Tips to Enjoy Team Payaman Fair 2024: The Color of Lights

This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…

21 hours ago

Kidlat Core: 4 Times Kidlat Effortlessly Broke the Internet

Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…

2 days ago

Netizens Hilariously React to Cong TV and Kidlat’s Clingy Moments

Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares First Playschool Preparations For Kidlat

Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…

3 days ago

Cortez Family Joins “Pagsinta kay Maria” at Sto. Niño de Cebu Parish, Biñan

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Feast of Our Lady of the Rosary tuwing Oktubre, isinasagawa…

4 days ago

This website uses cookies.