Pat Velasquez-Gaspar Surprises Husband With Recently-Found Lost Wedding & Engagement Ring

Walong buwan na ang nakakalipas nang mawala ni Pat Velasquez-Gaspar ang wedding at engagement ring nila ni Boss Keng.

Bago pa man lumipad papuntang Riyadh kasama ang ilang Team Payaman boys, isang surpresa ang hatid ni Pat kay Boss Keng.

Send-off Surprise

Sa bagong vlog ni Pat Velasquez-Gaspar, ipinasilip nito ang ilan sa mga tagpo bago umalis ng bansa ang asawa nitong si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, kasama ang ilang Team Payaman members.

Una tinanong ni Pat kung ano nga ba ang balak gawin nina Boss Keng pagkadating sa Riyadh.

“May pupuntahan kaming work dun. Work ‘yun, work,” paliwanag ni Boss Keng.

Bilang pabaon sa kanyang byahe, isang regalo ang hatid ni Mommy Pat para sa kanyang asawa.

“Mayroon kasi akong regalo sayo para maalala mo kami ni Isla sa Riyadh,” ani Pat.

Isang kumikinang na bracelet ang unang inihandog ni Pat sa kanyang mister na pwede nitong gamitin sa pagporma sa Riyadh.

Bukod dito, isa pang regalo ang gumulat kay Boss Keng nang iabot na ng kanyang maybahay na si Pat.

“Ngayon, ito naman ‘yung gift namin ni Isla Boy. Sana magustuhan mo at maalala mo kami,” dagdag ni Pat.

“Ay! Nakita mo na!” laking gulat ni Boss Keng.

Lost and Found

Matapos ang walong buwan, muling nahanap ni Pat ang nawawala nitong wedding at engagement ring.

“Saan mo nakita?” unang tanong ni Boss Keng.

Sagot naman ni Pat: “Sa bag ni mama!”

Kwento ni Pat, nawala sa isip nito na nagpatago siya ng kanyang wedding at engagement ring sa kanyang ina noong sila ay bumyahe pa-Japan.

Kwento pa ni Pat, minsan pa itong nagpa-challenge sa kanyang mga kasamahan sa bahay na kung sino man ang makakahanap ng kanyang mga singsing ay bibigyan niya ng P60,000.

“P60k na, nawala pa!” biro ni Sonny J.

Nangako si Pat kay Boss Keng na kailanma’y hindi na nito huhubarin ang kanyang mga singsing upang hindi na ito mawala.

Bilang pasasalamat ni Pat sa kanyang ina, ang P60,000 na pabuya ay ibibigay niya rito bilang panggrocery ng mga kakailanganin sa kanilang bahay.

Gaya nina Boss Keng, laking tuwa rin ng ibang Team Payaman girls nang malamang nahanap na ni Pat ang kanyang mga singsing.

“Sister! San mo nakita?” laking tuwa ni Vien Iligan-Velasquez

“Waaaah! Nakita mo?! Saan?” nakakatuwang reaksyon ni Viy Cortez-Velasquez

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Boss Keng and Pat Velasquez-Gaspar Enjoy a Quick Escape in Tagaytay

Napuno ng matatamis na tagpo ang quick getaway nina Boss Keng at Mommy Pat sa…

6 hours ago

Race to the Fair: Team Payaman Gears Up for a Fun Team Payaman Fair Teaser Vlog

Nagsama-sama ang mga miyembro ng sikat na vlogger group ng bansa na ‘Team Payaman’ para…

2 days ago

From Gig to Studio: Pinuno and Kuya Inday Create Their Own Song

Mula sa isang gig performance, nauwi sa isang music project ang tambalan nina Elijah Borreros,…

2 days ago

TICKETS ARE OUT: Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Up For Grabs

Team Payaman fans who missed the previous ticket-selling phases may soon get another shot at…

3 days ago

Team OG o SIGA: Donny Pangilinan and Team Payaman Wild Dogs Face Off in New Mang Tomas Ad

Muling nagsama ang tambalang Cong TV at Donny Pangilinan sa isang bagong advertisement ng Mang…

3 days ago

Cook Along with Dudut Lang In His Latest Camping Vlog

Samahan si Dudut Lang sa isang chill camping trip kasama sina Kristel, Burong, at Aki.…

4 days ago

This website uses cookies.