Proof That Bea Borres is a Solid Team Payaman Fangirl

Isa ka rin ba sa mga “ka-petty” o mga masusugid na tagapanood ng Gen-Z content creator na si Bea Borres? 

Lingid sa kaalaman ng iba na isa rin ang 21-anyos na aktres at vlogger sa mga sumusuporta sa pinakamalaking grupo ng content creators sa bansa, ang Team Payaman.

Ito ang ilan sa mga ultimate fangirl moments ni Bea Borres matapos makadaumpalad sina Tita Krissy Achino, Viy Cortez-Velasquez, at Cong TV.

Encounter with Tita Krissy

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Bea Borres ang ilan sa mga tagpo ng kanyang linggo kasama ang ilan sa mga kilalang content creators sa bansa.

Game na game na nakipagkulitan si Bea sa kanyang mga kapwa vlogger matapos maimbitahan sa bagong bukas na comedy club ng komedyante at vlogger na si Vice Ganda.

Ibinahagi nito ang kanyang naging interaksyon kay Kris Aquino impersonator na si Chino Liu o mas kilala bilang si Tita Krissy Achino.

“Tita Krissy, people are saying kasi na I’m the next Kris Aquino, what can you say about that?” bungad ni Bea.

Pabirong sagot naman ni Tita Krissy: “Good luck, if you can top me!”

Hindi rin napigilang ibahagi ni Tita Krissy ang nakakatawang karanasan nito kasama si Bea noong una silang nagkita.

“One time nagpapamasahe ako, nagtanong ako kung sino ‘yung maingay sa baba na nagti-Tita Krissy. Sabi ko, ‘may fan ba?’ [Tapos], s’ya pala [si Bea]! Nangungulit,” kwento nito.

Depensa naman ni Bea: “Minsan lang ako nandon so I wanted to see Chino!” 

Starstruck

Maya maya pa’y dumating na ang YouTube power couple na sina Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV at Viy Cortez-Velasquez sa nasabing comedy club.

“Ate, pwede ka bang mag-hi?” bungad ni Bea kay Viy.

“Hi, mga Viviys!” bati naman ni Viy.

“Grabe, ILY ate Viy!” ani Bea sa kanyang video.

Hindi rin napigilang mapansin ni Bea ang ganda ng pagbabago sa katawan ni Viy na kanyang ibinahagi sa kaibigan nitong si Christine Samson.

“She’s so payat!” laking gulat ni Bea.

Ilang sandali pa ay lumapit na rin si Cong TV at isa-isang binati ang mga kapwa nito content creator.

“Oh my God si Cong!” sigaw ni Chad Kinis.

Nang makakuha ng pagkakataon, hindi rin pinalagpas ni Bea na masubukang magpabati kay Cong TV sa kanyang vlog.

“Kuya Cong, can you say Hi to my vlog?” hiling ni Bea.

“Hello guys, what’s up sa inyo?” pagbati ni Cong.

“Super kind and humble aura talaga [ni Kuya Cong]” komento ni Bea.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

7 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

10 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

11 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

11 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.