Sa pagpapatuloy ng “Livestream Era” ng YouTube channel ni Cong TV, sinubukan ng Team Payaman na ungkatin kung ano ba ang nangyari sa tambalang Bok-Kha Kha na binubuo nina Carlos Magnata, a.k.a Bok at Kha Kha Villes.
Matatandaan na taong 2020 nang sinubukan ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, at ng iba pang Team Payaman boys na ipares sina Bok at Kha Kha, ngunit hindi nagtuloy tuloy ang kanilang tambalan. Ano nga kaya ang nangyari sa naudlot na relasyon ng Bok-Kha Kha?
Sa pamamagitan ng paggaya sa segment ng “EXpecially For You,” sinubukan alamin ni Cong TV at iba pang Team Payaman members kung ano ba talaga ang nangyari sa tambalang Bok-Kha Kha.
Ang “EXpecially For You” ay isang popular na segment sa noontime show na “It’s Showtime,” kung saan binibigyan ng pagkakataon ang mga dating magkasintahan na pag usapan ang kanilang mga unresolved issues at makahanap ng bagong pagmamahal.
Sa kanilang pag uusap, inamin ni Kha na mayroon siyang dalawang manliligaw sa kasalukuyan, ngunit bukal naman sa loob nito na pag usapan ang kanilang nakaraan ni Bok.
Nang tanungin ni Cong TV kung may pinagsisihan ba ang mga ito sa kanilang naudlot na tambalan, hindi napigilan ni Kha na ilabas ang katotohanan.
“Hindi ko masasabi kung pinagsisihan kasi nasasayangan ako dun sa tandem namin ni Bok dati,” ani Kha.
Paliwanag pa ng Team Payaman member at Viyline girl, mas pinili kasi ni Bok ang ibang babae kaysa subukan ang kanilang tambalan. Ayok pa kay Kha, sinubukan niyang bigyan ng pagkakataon si Bok dahil naniniwala siya sa ibang Team Payaman boys na mabait naman ito.
“Tapos ayun biglang nag reveal ng jowa. Tapos ako parang saan ako, parang naiwan lang ako.”
Kung bibigyan naman aniya siya ng pagkakataon, susubukan ni Bok na iparamdam kay Kha Kha ang kaniyang respeto, pagmamahal, at pag aalaga.
“Ipapakita kung papaano talaga [ako] ma-inlove. Loyalty saka kung papaanong mahalin ang babae.”
Inamin ng dalawa na pareho silang single sa kasalukuyan. Ang tanong may patutunguhan kaya ang tambalang Bok-Kha Kha sa pangalawang pagkakataon?
Watch the full episode below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.