Team Payaman’s Viy, Vien, and Pat to Break Silence on Social Media Issues Against Them

Isang nakaka-intrigang episode ng bagong vlog ni Viy Cortez-Velasquez ang tiyak na aabangan na naman ng netizens ngayon gabi. Dahil babasagin na ng Team Payaman girls ang kanilang katahimikan sa iba’t ibang issue na ibinabato sa kanila sa social media. 

Sa isang YouTube video, ipinasilip ng 28-anyos na vlogger at entrepreneur ang kaniyang naging heart-to-heart talk kasama ang mga sisters-in-law at kapwa Team Payaman members na sina Vien Iligan-Velasquez at Pat Velasquez-Gaspar.  

Who is Team Payaman?

Ang Team Payaman ay binubuo ng grupo ng content creators at social media influencers na pinangungunahan nina Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV at asawa nitong si Viy  Cortez-Velasquez. 

Kasama rin nila sa grupo ang mga kapatid ni Cong TV na sina Marlon Velasquez Jr.  a.k.a Junnie Boy at Pat Velasquez-Gaspar, at kani-kanilang mga asawa na sina Vien Iligan-Velasquez at Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng. 

Kabilang din sa nasabing grupo ang ilan sa kanilang malalapit na kaibigan at kababata na bumuo sa masayang pamilya na Team Payaman na hinahangaan ng milyon-milyong netizens. 

Taong 2020 nang naging maingay sa social media ang pangalan ng grupo dahil sa pagbibigay saya ng mga ito sa social media sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic. Pero bago pa man ang pandemya ay magkakasama na ang grupo sa paggawa ng online contents patungkol sa kanilang buhay at pagbibigay inspirasyon sa mga manoood. 

Team Payaman Girls Issue?

Hindi lingid sa kaalaman ng Team Payaman girls at real-life friends and in-laws na sina Viy, Vien, at Pat na madalas silang kinukumpara ng netizens sa isa’t-isa. 

“Maraming nagco-compare sa atin sa social media, ‘di ba? Sobrang dami… sa pagiging magulang, sa lifestyle, pagiging asawa, looks, lahat naco-compare tayo,” ani Viy Cortez.  

Dagdag pa ni Pat Gaspar: “Sasabihin nila ‘Uy si Vien at saka si Viy wala sila sa isang vlog, mga 2 months na, baka magka-away sila.’”

Pero pagbubunyag ni Viviys, wala pang nagaganap sa pag aaway sa pagitan nilang tatlo at kanilang pamilya. 

“Never kaming nag-aaway. Mine-maintain din kasi namin yung relationship na hanggang pang matagalan kasi in-laws na siya,” paliwanag ni Viy.

Ano pa kaya ang mag rebelasyong isisiwalat ng Team Payaman girls? Abangan ‘yan sa ikalawang YouTube channel ni Viy Cortez mamayang 8 PM.

Kath Regio

Recent Posts

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

6 hours ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

1 day ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

This website uses cookies.