Kevin Hermosada Bravely Asks Netizens To Critic His Recent Vlog

Apat na buwan ang iginugol ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada sa kanyang house renovation vlog.

Bukod sa intensyon nitong makapagbigay ng impormasyon kung posible nga bang makapagpaayos ng bahay sa halagang P100,000, layunin din nitong pagbutihin ang pagbuo ng vlogs sa tulong ng kanyang mga manonood.

100K Renovation Project

Kamakailan lang ay ipinasilip ng mag-asawang Kevin Hermosada at Abigail Campañano-Hermosada ang kanilang bagong tahanan.

Hindi ito pangkaraniwang “house renovation” vlog dahil hatid ni Kevin ang ilan sa mga paraan kung paano ito nakatipid sa pagpapaayos ng bahay.

Aniya, isang daang libo ang kanilang budget sa pagpapagawa at pagbili ng mga kagamitan kaya naman naging hamon talaga ito para sa kanilang mag-asawa.

Kaliwa’t-kanan ang pakikipagusap, pamimili, at pagbabantay sa kanilang proyektong bahay upang masiguro ang kalidad at kagandahan nito.

Sa kabutihang palad, naisakatuparan ng mag-asawa ang kanilang pangarap na modernong disenyo ng tahanan sa murang halaga.

Room for Improvement

Bukod sa pagpapasilip ng kanilang bagong bahay, ninanais rin ni Kevin na malaman ang saloobin ng kanyang mga manonood hinggil sa kanyang vlog.

Sa kanyang isang Facebook reel, matapang nitong hiningi ang komento at ilang suhestiyon ng kanyang mga manonood pagdating sa bagong istilo nito sa paggawa ng content.

“Gumawa kasi ako ng vlog and four months ‘yung process nito [paggawa ng video]” bungad ni Kevin.

Bagamat dinagsa na ng mga positibong komentong mula sa kanyang mga manonood, muling naghahangad ang Team Payaman vlogger ng mga detalyadong puna pagdating sa kanyang pag-eedit at istilo ng pagva-vlog.

“Sa loob ng four years na pagiging vlogger, feeling ko, I’m still learning. Feeling ko, you guys are the key na maging isang legend na vlogger ako,” ani Kevin.

Hinikayat ni Kevin ang kanyang mga manonood na mag-iwan ng mga komentong sa tingin ng mga manonood ay maari pag pagbutihin sa nasabing vlog.

“So kung may oras ka sa akin, watch this vlog and leave a comment kung ano pa ang pwede kong i-improve” hiling nito.

Watch the full video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

2 hours ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

1 day ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

4 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

4 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

4 days ago

This website uses cookies.