Pat Velasquez-Gaspar Celebrates Huge Milestone Before Baby Isla Turns One

Another achievement unlocked before turning 1!

Iyan ang puri ng Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa kanyang anak na si Isla Patriel, a.k.a. Baby Isla. Ito ay matapos ibahagi ng first-time mom ang video sa Facebook habang unti-unting naglalakad si Isla.

Kahit pabagsak-bagsak ay sinorpresa ni Baby Isla ang kanyang mommy sa pamamagitan ng tagumpay na pag-aabot ng kanyang mga laruan na nakapatong sa sofa papunta sa kanyang ina na nakaupo sa kabilang direksyon. 

Nakatakdang magdiwang si Baby Isla ng kanyang 1st birthday sa July 8. Alamin kung ano nga ba ang sikreto ni Mommy Pat upang maagang matuto makalakad si Baby Isla.

Mommy Tips

Sa kanyang Facebook video, nagbahagi si Pat ng tatlong tips mula sa kanilang pediatrician upang makatulong sa mga kapwa niyang ina na turuan ang kanilang mga anak na maglakad. 

Hayaan mag-explore ang bata

Kwento ni Pat, isa sa naging ensayo ni Baby Isla ay ang paglalakad habang inaalalayan hawak ang kaniyang mga braso at kili-kili. Isa rin aniya sa nakatulong ay ang paggamit ni Baby Isla ng kanilang mga sofa bilang gabay sa paglalakad.

Si Isla kasi hinahayaan ko lang maglakad eh. Hindi talaga ako all the time hahawakan siya. Kung babagsak siya, babagsak siya,” ani Mommy Pat. 

The way talaga para matuto ang anak mo, totoo yan, hayaan mo lang siya. Hayaan mo siyang matuto kasi madi-discover niya na kaya pala niya,” dagdag pa ng first-time mom. 

Iwasan gumamit ng walker

Maalalang ibinahagi ang mag-asawang Pat at Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, sa kanilang mga naunang vlog ang tungkol sa pagbibigay ng walker at andador kay Baby Isla. 

Kwento ni Pat, bilin sa kanila ng pedia na mas makakabuti kung nakalapat ang paa ng bata sa sahig kumpara sa paggamit ng walker. 

Itapon niyo na ‘yung mga walker,” biro ni Pat. Ngunit ang katotohanan ay ipapamigay niya na lang ito sa mas nangangailangan. 

Isa na sa bibigyan ni Pat ng walker ni Isla ay ang netizen na si Mami Bhie na nagbahagi sa kanyang kumento na kailangan ito para sa weekly therapy ng kanyang anak na may Cerebral Palsy. 

Huwag muna pagsapatusin

Ayon pa kay Mommy Pat, isa rin sa paalala ng kanilang pedia ay huwag pagsuotin ng sapatos si Baby Isla hangga’t hindi pa nakakalakad. Aniya, ito raw ay maaaring makaapekto sa hugis ng paa at pati na rin sa balanse nito. Sa halip, magandang ensayo ng paglalakad sa mga bata ay ang maglakad nang nakayapak.

Kwento niya na kapag lalabas ang kanilang pamilya, open toe sandals lang ang mga sapatos na ipinapasuot kay Baby Isla. Samantala, kapag nasa bahay naman ay hinahayaan nila itong magyapak at maramdaman ang sahig. 

Labis naman ang galak at pagka-proud ni Pat sa kanyang anak sapagkat aniya ay meron na siyang hahabulin bago pa man ito mag-isang taon.

Naka 6 steps na siya. Tomorrow magte-training kami 100 steps,” biro pa ng proud mommy. 

Watch the full video here: 

Alex Buendia

Recent Posts

Ninong Ry Meets Gordon Ramsay at ‘Masterchef’-Inspired Show in Manila

Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…

6 hours ago

This is How Junnie Boy and Vien Iligan-Velasquez Navigate Marriage

Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…

11 hours ago

How to Score a Meet and Greet Pass With Viy Cortez-Velasquez at the VIYLine MSME Caravan

In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…

1 day ago

This is How Team Payaman’s Pat Velasquez-Gaspar Redefines Motherhood

Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…

2 days ago

5 Must-Try Easy-To-Follow Megalodon Dishes According to Dudut Lang

Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…

2 days ago

Short-Form Classes To Try For Your Kids, As Seen On Kidlat

There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…

6 days ago

This website uses cookies.