Pat Velasquez-Gaspar Prepares For Son Isla Patriel’s First Birthday Celebration

Isa sa mga pinakahihintay ng mga magulang ay maipagdiwang ang kauna-unahang kaarawan ng kanilang mga anak, na s’yang pinatunayan ng mommy vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar.

Dahil nalalapit na ang kaarawan ng anak nitong si Isla Patriel, a.k.a Baby Isla, alamin ang naging paghahanda nito para sa kanilang selebrasyon.

Birthday Preparations

Sa kanyang bagong vlog, sinama ni Mommy Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang mga manonood sa naging paghahanda para sa unang kaarawan ni Baby Isla sa July 8, 2024.

Ani Pat, bagamat masaya ito na magdidiwang na ng kanyang unang kaarawan ang kanilang unico hijo, hindi nito mapigilang maging emosyonal.

“Ang laki na n’ya, ang bilis bilis ng panahon, parang dati kakapanganak ko pa lang tapos ngayon magwa-one [year old] na s’ya! Chine-cherish ko talaga ‘yung bawat moment na kasama namin s’ya ni Keng,” dagdag pa nito.

Unang humanap si Mommy Pat ng lugar na maaring pagdarausan ng kanilang selebrasyon. Bukod sa tradisyonal na set-up ng mga party, naisip ni Mommy Pat na magrenta ng mga indoor playground upang lalo nitong ma-enjoy ng mga batang bisita ang kaarawan ni Isla.

“Gusto ko talaga ‘yung mga bata ang mag-eenjoy, ‘yung wala masyadong program. Basta maglalaro lang sila,” paliwanag nito.

Una sa listahan nito ang KinderCity na matatagpuan sa Evia Lifestyle Center sa Las Piñas.  Inalam ng first-time mom ang presyo at ang mga kasama sa package kung sakaling nais ni Mommy Pat na ipagdiwang ang kaarawan ni Isla rito.

Aniya: “Alam kong hindi n’ya ito maaalala pero kami… alam mo yung satisfied ka, very happy, fulfilling na nagawa mo ‘yun sa baby mo. Naiintindihan ko ngayon bakit yung mga magulang todo effort sila sa pagse-celebrate.”

“So yung inner child mo, happy ‘di ba? Kasi napa-experience mo ‘yun sa baby mo,” dagdag pa nito.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

11 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.