Tita Krissy Achino Shares Journey to Joining Team Payaman

Isa si Chino Liu o mas kilala bilang Tita Krissy Achino sa bumubuo ng content creator group na Team Payaman. Paano nga ba siya napabilang sa grupong ito? 

Alamin natin yan sa panayam ng Filipino Actress na si Aiko Melendez sa kaniyang bagong YouTube video.

Naikwento ni Chino sa interview ang simula ng pagkakakilala nila ni Cong TV. 

“Nagkasama kami ni Cong sa isang multi-channel network under [ABS-CBN]… that’s how we met. And eventually, nagka-close because of the events, hanggang sa kinuha na nila ako na host for their fair. Doon kami naging close.”

Ayon sa kaniya, naging malapit at napabilang na siya sa Team Payaman simula pa noong CongDo era, hanggang sa naimungkahi niya ang paglipat sa Parañaque kung nasaan ang Payamansion 1, Payamansion 2, at ngayo’y Congpound na.

“Naging magkapitbahay kami… that’s where Payamansion 1 is, and then we transferred to another barangay, that’s Payamansion 2. Now, they are still in Parañaque pero Congpound na ang tawag,” ani Chino.

Ipinahayag ni Aiko Melendez ang kaniyang paghanga sa grupo ng Team Payaman,

“Ang galing ‘no, from sobrang baba hanggang tumaas, magkakasama kayo… and I’m happy to hear stories like that na talagang from nowhere, biglang big, and still… maintained niyo ‘yung humility niyo sa bawat isa,” paghanga ni Aiko. 

Sa gitna ng mga diskusyon nila ng nasabing aktres, naibahagi rin ni Chino ang naging impluwensiya ni Cong TV kung paano niya hinaharap ang mga “intriga” sa mundo of vlogging. 

Sa world of vlogging, may intriga rin?” tanong ni Aiko.

“Meron, may mga inggitan din. Sabi ko nga sa kanila, kahit anong industry naman, may politika. Ang kailangan mo lang gawin is to accept it and respond to it with class,” sagot ni Chino.

“And I think, malaking tulong din si Cong. Kasi si Cong hindi siya basta-basta pumapatol. Super humble, super, quiet… Kaibahan dun sa on-cam niya na maingay. Pero when it comes to personal… kunwari may tumira sa kaniya, may nang-bash sa kaniya, hindi siya sumasagot agad-agad,” dagdag pa nito.

Aniya, ganoon din ang kaniyang approach sa content creation kaya’t walang isyu sa kaniya.

Watch the full video here: 

Angel Asay

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.