Isa sa mga basehan sa taong tunay na nagmamahal ay kung gaano niya kakilala ang katuwang niya sa buhay.
Ito ang pinatunayan ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, noong niregaluhan niya ang misis na si Viy Cortez-Velasquez ng kaniyang “dream bag” sa araw ng kanilang kasal.
Sa araw ng kasal na kasabay rin ng ika-siyam na anibersaryo nina Cong at Viy, pinadala ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, ang regalo ng kanyang kuya sa mapapangasawa nito.
“Happy 9th anniversary sa atin. Pagpasensyahan mo na ang regalo ko. Ito lang ang nakayanan ng utang ko. Gusto ko ikaw ang pinakamasaya ngayong araw na ito. Kaya smile at ‘wag kabahan. I love you! See you later,” pagbabasa ni Viy sa liham sa kanya ni Cong na nakadikit sa ipinadalang regalo.
Pabirong nahihimatay habang unti-unting binubuksan ang mamahaling regalo, pero biro ng isa sa mga bridesmaids at sekretaryang si Pat Pabingwit: “Paper bag lang pala, sis.”
Hindi naman maitago sa mukha ng 27-anyos na vlogger-entrepreneur ang tuwa noong sa wakas ay nakita na niya ang laman ng paper bag ng pinapangarap na Hermés Birkin 25.
“Love, thank you so much, dream bag ko ‘to,” ang mangingiyak-ngiyak na sambit ni Viviys.
Sa isang eksklusibong panayam ng VIYLine Media Group (VMG) kay Cong TV, ipinaliwanag niya na noon pa man ay kita na sa kanilang mga vlogs ang hilig ng asawa sa mga kakaibang uri ng bag.
Kaya naman naisipan niya na ibigay sa asawa ang pinapangarap nitong bag.
“Wala nang ibang mas pe-perfect na gift sa isang bagay na gusto ng asawa mo,” ani Cong.
Ibinunyag din niya na napag-alaman nilang iisang tao lang ang pinagbilhan nila ng wedding gift para sa isa’t isa.
“Nalaman ko, kung saan niya nabili ‘yung relo ko, doon ko rin nabili ‘yung [bag]. Maraming salamat sa nakuhanan namin, sulit na sulit, power sa inyo!”
Nabanggit din ng mag-asawa ang tungkol sa regalo habang nagtitingin ng kanilang mga litrato noong kasal sa vlog ni Viy na pinamagatang “Reacting to our Wedding.”
“Ang regalo niya sa akin is ‘yung pangarap kong Hermes Birkin 25 na white color. Basta gusto ko ‘yung size, color, lahat, gustong gusto ko. So, thank you, love!” paliwanag ni Viy.
Kwento pa ni Cong sa VMG, hindi pa ginagamit ng kaniyang misis ang binigay na regalo sapagkat balak aniya itong i-display sa pinapatayo nilang bagong bahay.
The official clothing line of Team Payaman's Cong TV, Team PYMN, has officially launched its…
“Hindi lang pangbaby, pwede rin sa feeling baby” Ipinasilip ni Mommy Vien sa recent video…
Hindi lang tawanan at kulitan ang hatid ng latest vlog ni Pinuno, kundi maging ang…
Naghahanap ng bagong food spot na pwedeng puntahan kasama ang pamilya o barkada? Sagot na…
Isang masayang Spider-Man movie watch party ang hatid ni Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat, sa…
Mula sa family dates hanggang sa maliliit na milestones sa araw-araw, ibinahagi ng Team Payaman…
This website uses cookies.