Viy Cortez-Velasquez Reveals Reason Why She Gave Cong TV a Rolex as Wedding Gift

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang love language ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez ay magbigay ng regalo sa kanyang mga mahal sa buhay. 

Kaya naman para sa kasal nila ng ngayon ay mister niyang si Cong TV, hindi rin pinalampas ni Viviys ang pagkakataon na bigyan ito ng makabuluhang regalo. 

Sa eksklusibong panayam ng VIYLine Media Group, inamin ng 27-anyos na content creator at entrepreneur ang dahilan sa likod ng kaniyang wedding gift para sa kaniyang mister. 

Roleks to Rolex

Matatandaang una nang na-prank ng Team Payaman Wild Dogs at Y Kulba si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, nang regaluhan ito ng pekeng Rolex na relo sa gitna ng kanilang Bachelor Party sa Bali, Indonesia

Pero buong puso itong tinanggap ng 32-anyos na legendary vlogger at sinabing wala siyang pakielam kung peke man ang nasabing regalo. 

Ngunit sa araw ng kaniyang kasal, tinupad ni Viy Cortez ang inaasam asam na Rolex ni Cong TV.

“Tuwing nagma-mall kami, pumapasok siya sa mga Rolex [store], gusto niyang bumili,” kwento ni Viy. 

“So ngayong kasal sabi ko gusto ko ako mag regalo sa kanya,” dagdag pa nito.

Ayon kay Mrs. Velasquez, hindi mahilig sa mga luxury items si Cong kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na ibigay ang pangarap nitong relo. 

“Rolex lang yung kaisa-isang gusto niya sana bilhin na mahal, hindi pa siya mapagbigyan kasi parang showroom na lang ngayon yung mga Rolex na shop, hindi ka na makakabili on the spot.”

Gift Reveal

“Ganito pala yung tunay na box!”

‘Yan naman ang naging reaksyon ni Cong TV nang buksan ang regalo ng kaniyang misis na may kalakip na sulat. 

“‘Di ako magsasawang ibigay ang mga gusto mo dahil hindi mo namamalayan na lahat ng gusto ko ay nabibigay mo… kagaya na lang mamaya na ang apelyido mo naman ang ibibigay mo at alam mo naman na ‘yan ang pinakagusto ko,” pagbasa ni Cong sa liham ni Viy.

Abot langit naman ang ngiti ni Cong nang mabuksan ang regalo at agad itong sinuot sa araw ng kanilang kasal. 

Kath Regio

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

5 hours ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

1 day ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

4 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

5 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

5 days ago

This website uses cookies.