Viy Cortez’s Parents Give Newlyweds a Heartfelt and Full of Wisdom Message

Isa sa mga hindi malilimutang tagpo ng kasalang Cong TV at Viy Cortez-Velasquez ay ang makabuluhang mensahe ng kani-kanilang mga magulang.

Alamin ang nakaka-antig na mensaheng ipinahatid ng ama ni Viy na si Mr. Rolando Cortez sa kanyang bagong kasal na anak.

Father of the Bride Speech

Walang paglagyan ang tuwa ng mga magulang ni Viy Cortez-Velasquez na sina Mr. Rolando Bañaria Cortez, a.k.a Papa Wow, at Mrs. Imelda Cortez nang maikasal na ang kanilang pangalawang anak.

Bilang parte ng seremonya ng kasalang Cong at Viy, hindi pinalampas ng kanyang Mama at Papa na maipahatid ang kanilang mensahe sa bagong kasal.

Nahahati sa tatlong kuwneto ang mensahe ng ama ni Viy: Kuwentong anak, kuwentong buhay, at kuwentong paglalakbay, dahilan upang mas lalo itong tumatak sa mga bisita.

Taas noong ikwinento ni Papa Wow kung paano nabago ni Viy ang buhay nito nang ipanganak ito ng kanyang maybahay.

Isang hindi malilimutang tagpo naman noong siyam na taong gulang si Viy ang ibinahagi ng kanyang ama sa nasabing okasyon.



“Dumaan ang maraming taon marahil, ay nine years old si Viy, habang may reunion kami ng aking HS Batch sa isang resort, nakita kong tumalon siya sa swimming pool, alam kong hindi siya marunong lumangoy, ako’y tumakbo at sinagip na nuo’y papalunod na.”

Noon pa ma’y nakikitaan na ng kanyang ama si Viy ng potensyal sa pagbuo ng kanyang sariling negosyo. Nabanggit pa nito na nabati nito ang mukha ng kanyang anak na ayon sa kanya’y may pagka-yayamanin.

Hindi nagtagal ay patuloy na lumalago ang negosyong sinimulan ni Viy na VIYLine Group of Companies, na ngayo’y nasa ilalim ng pangangalaga ng kanyang mga magulang.

“Ngayon bilang General Manager ng negosyo ni
Viy, nandyan ako upang patuloy na umalalay sa kanya.”

Para sa pangalawang parte ng kanyang mensahe, sunod na sinambit ng ama ni Viy ang ilan nitong setimento patungkol sa buhay.

Mahigit dalawampung taon na nang may mabasa si Papa Wow sa isang libro na talagang tumatak sa kanyang isipan, na kanyang ihinalintulad sa sinulid.

Patungkol ang kwento sa isang Ninong na hindi sumadya sa kasal, kung kaya’t personal itong binisita ng bagong mag-asawa. Kapalit ng hindi pagdalo sa kasal ay ang regalo nitong sinulid ng pagmamahalan.

Ani Papa Wow, ang sinulid ay sumisimbolo sa matatag na pagsasama ng mag-asawa na pinagtibay ng sakramento ng kasal.

Dagdag pa nito: “Ang Sinulid ng Pagmamahalan kapag inalagaan may pagpapala, magaganap lamang yun kapag hindi naputol ang sinulid ng pagmamahalan. Kapapasok niyo pa lamang sa paglalakbay ng totoong buhay mag asawa. Ingatan niyo ang Sinulid ng Pagmamahalan.”

Bilang panghuli, “Ang pinapangarap ko lamang ay masabi n’yo kay Kidlat, masabi n’yo sa mga anak ninyo, na kayo ang rebelasyon [ng Diyos]”

Mom’s Touching Message

Hindi rin nagpahuli ang ina ni Viy sa paghahatid ng kanyang mensaheng talaga namang nagpataba sa puso ng bagong kasal.

“Nag-search din ako, as of yesterday, ang populasyon ng Pilipinas ay almost 190, 025, 718 people. Out of those, napaka-swerte mo at napaka-galing mong pumili anak, at napili mo ang nag-iisang lalaki sa buhay mo, walang iba kung hindi si Cong Cortez Velasquez,” ani Mrs. Cortez.

Agad din nitong pinasalamatan ang anak na si Viy sa kanyang pagpupursige na mabigyan ang kanyang pamilya ng magandang buhay. Pinasalamatan na rin nito si Cong sa pagbago ng buhay ng kanilang anak.

“Wishing you loads of love, laughter, and happiness. Cong, welcome na welcome ka sa buhay namin. Alam kong napakabait mo at napaka seryoso mo sa lahat. Cong, Viy, mahal na mahal ko kayo. At kasama na rin si Kidlat” emosyonal nitong sambit.

Sagot naman ni Cong, “Thank you, Mama!”

Yenny Certeza

View Comments

Recent Posts

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 hours ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

3 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

4 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

4 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

5 days ago

This website uses cookies.