A New Song: NOBITA’s Perfect Wedding Gift for Mr. and Mrs. Velasquez

“Damdamin ko’y nagsusumigaw. Dalangin ko’y ikaw” 🎶

Isa sa mga bumuo ng selebrasyon ng #PerfectCongViynation wedding ng Team Payaman power couple na sina Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV at Viy Cortez-Velasquez ay ang special performance ng bandang NOBITA. 

Hinarana ng mga ito ang bagong kasal at kanilang mga bisita ng dalawang kanta: ang hit song nilang pinamagatang “Ikaw Lang” at ang regalo nilang bagong kanta na pinamagatang “Gitna.”

Image source: Nobita Facebook page
Image source: Nobita Facebook page

Handwritten by: NOBITA members
Design by: Kaye Agcaoili
Photo: Jeff Valencia

Gitna

Sinurpresa ng banda ang bagong kasal ng kanilang hinandang regalong performance ng pinakabago rin nilang kanta na inaalay para sa bagong kasal.

“Hindi namin alam kung ano ‘yung pinaka perfect moment para i-share namin ito sa mundo kundi ngayong araw na ‘to. Sobrang happy namin na naging part kami [ng kasal niyo],” mensahe ng bokalista ng banda na si Jaeson Felismino para sa bagong kasal.

Habang inaabot ang liriko ng bagong kanta na personal nilang inilimbag sa papel at ikinubli sa malaking frame, bakas sa mukha ng bagong kasal ang gulat at tuwa sa regalo sa kanila ng banda.

“Kaya meron po kaming munti na regalo. Ito ‘yung song na gusto namin ibigay sa inyo personally, at kayo ang unang makakahawak ng kanta,” dagdag pa ni Jaeson.

“At ‘yung pangalawang regalo po namin, tutugtugin namin ngayon. This song is called ‘Gitna.’”

Nabanggit ng NOBITA sa kanilang panayam sa ABS-CBN na taong 2021 pa raw mula noong sinimulan nilang isulat ang nasabing kanta. 

Anila ay nagkaroon daw sila ng ideya sa isang jamming session noong napagtantong karamihan ng ikinasal sa Team Payaman couples ay gumamit ng kanilang kanta.

Maalalang tumugtog din ang NOBITA sa kasal nina Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy at Vien Velasquez, at bumida naman ang mag-asawang Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar sa official music video nilang “‘Di Na Mag Iisa”.

Habang sinusulat ang kantang “Gitna,” iniisip anila kung ano ang nararamdaman ni Cong sa araw ng kanyang kasal — at sabi nila ay masaya naman nilang nasaksihan ito sa #PerfectCongViynation wedding na tumupad sa layunin ng kanilang regalo. 

Binahagi naman ng NOBITA sa isang Instagram story ang pasasalamat sa kanila ng bagong kasal.

“Maraming maraming salamat po. Sobrang na-appreciate namin kayo. Mas naging maganda ang wedding namin dahil sa inyo. Sana makabawi kami sa inyo,” ani Viy.

Nobita

Ang NOBITA ay isang pop rock band na binubuo ng limang miyembro. Kilala sila sa pagdadala ng kakaibang pananaw sa mga hugot love songs at nakapagpapaalaala sa old school Pinoy rock gamit ang kanilang layered musical arrangement. 

Ang banda ay binubuo nina Jaeson Felismino (Vocals/Guitars), Mark Quintero (Bassist), Jonathan Lim Agbanlog (Drums), Sam Aquino (Lead Guitar), at Richmond Bancolita (Keyboards).

Ang kanilang pangalan ay kinuha mula sa Japanese-Katakana characters na ang ibig sabihin ay “to grow up strong and clear.” 

Alex Buendia

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

16 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.