Viy Cortez Takes on Her Last Mission as a Single Woman Before Tying The Knot

Bago maging ganap na asawa ni Cong TV, isa munang anak, kapatid, content creator, negosyante, at ina si Viy Cortez.

Bilang paghahanda sa pagpasok sa buhay may asawa, ilang misyon muna ang isinagawa ni Viy bago ito tuluyang mamaalam sa pagiging single woman.

Mommy Duties

Matapos lumipad ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV ng apat na araw sa Indonesia para sa kanyang bachelor’s party kasama ang Team Payaman, naging hands on si Mommy Viy sa pagaaruga sa anak nitong si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat.

Personal na namaalam si Mommy Viy at Kidlat kay Daddy Cong bago ito lumipad pa-Indonesia, at pinabaunan pa ito ng kanyang pocket money upang mag-enjoy sa kanyang pamamasyal kasama ang Team Payaman boys.

Nang marinig ni Kidlat ang mga katagang “ba-bye” mula sa kanyang ama, hindi na nito napigilang umiyak, na s’ya ring naging dahilan upang maging emosyonal rin si Viy.

“Nadadala ako sa iyak mo [Kidlat] eh! Naiiyak tuloy tayo parehas!” aniya.

Matapos ang emosyonal na paghahatid kay Daddy Cong, sumabak naman si Kidlat sa photoshoot ng kanyang kauna-unahang proyekto kasama ang Moose Girl Philippines.

Upang matulungang mailabas ang kwela ni Kidlat, hindi nagdalawang isip si Mommy Viy na magbihis Spiderman upang maenganyo ang anak na ngumiti sa harap ng camera.

Hard Working Mama

Bukod sa pagiging full-time mom, isa rin sa mga pinagkaka-abalahan ngayon ni Viy Cortez ay ang paggawa ng mga content at pagtanggap ng mga proyekto kasama ang iba’t-ibang mga brands sa loob at labas ng bansa.

Kamakailan lang ay itinanghal na kauna-unahang ambassador ng Thailand body care brand na SNAKE Brand Philippines si Viy Cortez.

Personal ding nakasalamuha ni Viy ang kanyang mga taga-suporta sa isang meet and greet event ng SNAKE Brand PH sa SM North Edsa nitong Mayo 31.

Isa rin ang Morena Beauty Studio sa pinakabagong proyektong pinagka-abalahan ni Viy Cortez bilang bagong mukha ng kanilang negosyo.

Supportive Wife To-Be

At syempre, hindi rin pinalampas ni Viviys na suportahan ang kanyang groom to-be na si Cong sa nagdaang basketball match kontra Team Donny at Ronnie sa Star Magic All Star Games 2024.

“Go love! Galingan mo love!” sigaw nito mula sa kanyang kinauupuan.

Bridal Tasks

Bilang paghahanda sa kanilang kasal, isa-isa nang ipinadala ni Viy ang kanyang regalo para sa kanyang mga bridesmaids at mga ninong at ninang.

Una na nitong ipinasilip ang ekslusibong lip product mula sa VIYLine Cosmetics na “Lip Slay” na tanging mga bridesmaids at bisita n’ya lamang ang makakatanggap.

“Ito po ay last last year pa pinagawa ko na talaga ‘to. Naghanap ako ng manuf na makakagawa ng gusto kong klase ng formulation para lang sa kasal namin” pagbabahagi ni Viy.

Isa pa sa mga pangmalakasang regalong handog ng soon-to-be-married couple para sa kanilang mga bisita ay ang mga bonggang bags mula sa Falacio PH.

Bukod sa kanilang mga bridesmaids at groomsmen, personal ding binisita nina Cong at Viy ang kanilang magiging mga Ninang at Ninong, partikular na ang aktres na si Alex Gonzaga.

The Final Mission

Para sa kanyang huling misyon bago tuluyang maging ganap na Mrs. Velasquez, kaisa nito ang nobyong si Cong sa kanilang pamamanhikan.

Kumpleto ang Pamilya Cortez at Pamilya Velasquez upang matunghayan ang personal na paghingi ni Cong ng basbas mula sa pamilya ni Viy.

Nagsalu-salo ang dalawang pamilya sa masarap na pagkain at hindi malilimutang bonding kasama ang isa’t-isa.

“Ngayong natapos ko na lahat ng aking misyon bago ikasal, hindi na ako makapaghintay sa aming pinaka-espesyal na araw” ani Viy.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

16 hours ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

4 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

5 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

5 days ago

This website uses cookies.