Here’s How Team Payaman Wild Dogs Surprised Cong TV with a Bachelor’s Party in Indonesia

Dinala ng TP Wild Dogs at motor riding group na  Y Kulba ang kanilang Team Payaman headmaster at groom-to-be na si Cong TV sa Bali, Indonesia para sa inihandang surpresang Bachelor’s Party.

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Lincoln Velasquez, a.k.a. Cong TV, kung paano niya ipinagdiwang ang mga huling araw ng kanyang pagkabinata kasama ang ilan sa mga malalapit na kaibigan.

Escaping the traditional

Tila lumabas sa karaniwang klase ng pagdiriwang ng bachelor’s party ang Team Payaman sapagkat literal na lumabas din sila ng bansa. 

Upang tagumpay na maisakay si Cong TV sa eroplano, nagkunwaring nagpapasundo lang ang fiance ni Aaron Macacua, a.k.a Burong na si Aki Anggulo sa airport bago ang kunwaring scheduled meeting ni Cong sa Okada. 

Laking gulat na lang ni Cong TV nang makita ang Team Payaman boys sa airport na naghihintay sa kanya at handang isakay siya patungong Indonesia.  

Para sa stag party ni Cong TV, nilibot nila ang Indonesia para mag motor ride, Zoo Safari, at Yacht trip.

Umani naman ito ng mga papuri mula sa mga netizens. 

@asamacaday2571: “Ang saya ng Bachelor’s party ni Mossing!!! They broke the traditional party. Best wishes CongViynation. Mabuhay kayo Team Payaman!” 

Best gifts ever

Samantala, habang masayang nakasakay sa puting yate, inabutan ng Y Kulba members si Cong TV ng mga regalong bagong relo at swimming short. 

Lingid sa kaalaman ni Cong na parehong prank sa kanya ang natanggap na mga regalo sapagkat natutunaw sa tubig ang natanggap na shorts at peke lang ang relong may tatak pa na “Roleks”. 

“Hindi importante sa ‘kin kung peke o totoo. Ang importante sa ‘kin, naalala nila ako ngayong araw,” madamdaming sinabi ni Cong TV.

“Hindi kasi natin alam kung anong ibibigay natin sa taong meron na ang lahat. Kaya maswerte tayo may kaibigan tayong nag-iisang Cong TV.” 

Ang mensahe naman ni Cong sa kanila: “Maraming maraming salamat sa mga tao sa likod ko. Ang importante sa’kin, kasama ko kayong lahat.”

Watch the full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

17 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.