Here’s How Team Payaman Wild Dogs Surprised Cong TV with a Bachelor’s Party in Indonesia

Dinala ng TP Wild Dogs at motor riding group na  Y Kulba ang kanilang Team Payaman headmaster at groom-to-be na si Cong TV sa Bali, Indonesia para sa inihandang surpresang Bachelor’s Party.

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Lincoln Velasquez, a.k.a. Cong TV, kung paano niya ipinagdiwang ang mga huling araw ng kanyang pagkabinata kasama ang ilan sa mga malalapit na kaibigan.

Escaping the traditional

Tila lumabas sa karaniwang klase ng pagdiriwang ng bachelor’s party ang Team Payaman sapagkat literal na lumabas din sila ng bansa. 

Upang tagumpay na maisakay si Cong TV sa eroplano, nagkunwaring nagpapasundo lang ang fiance ni Aaron Macacua, a.k.a Burong na si Aki Anggulo sa airport bago ang kunwaring scheduled meeting ni Cong sa Okada. 

Laking gulat na lang ni Cong TV nang makita ang Team Payaman boys sa airport na naghihintay sa kanya at handang isakay siya patungong Indonesia.  

Para sa stag party ni Cong TV, nilibot nila ang Indonesia para mag motor ride, Zoo Safari, at Yacht trip.

Umani naman ito ng mga papuri mula sa mga netizens. 

@asamacaday2571: “Ang saya ng Bachelor’s party ni Mossing!!! They broke the traditional party. Best wishes CongViynation. Mabuhay kayo Team Payaman!” 

Best gifts ever

Samantala, habang masayang nakasakay sa puting yate, inabutan ng Y Kulba members si Cong TV ng mga regalong bagong relo at swimming short. 

Lingid sa kaalaman ni Cong na parehong prank sa kanya ang natanggap na mga regalo sapagkat natutunaw sa tubig ang natanggap na shorts at peke lang ang relong may tatak pa na “Roleks”. 

Hindi importante sa ‘kin kung peke o totoo. Ang importante sa ‘kin, naalala nila ako ngayong araw,” madamdaming sinabi ni Cong TV.

Hindi kasi natin alam kung anong ibibigay natin sa taong meron na ang lahat. Kaya maswerte tayo may kaibigan tayong nag-iisang Cong TV.” 

Ang mensahe naman ni Cong sa kanila: “Maraming maraming salamat sa mga tao sa likod ko. Ang importante sa’kin, kasama ko kayong lahat.

Watch the full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

6 hours ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

1 day ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

4 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

5 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

5 days ago

This website uses cookies.