Final Countdown: Cong TV and Viy Cortez Gear Up for #perfectCONGVIYnation Wedding

Dahil nalalapit na ang inaabangang pag-iisang dibdib nina Cong TV at Viy Cortez, kaliwa’t-kanan na rin ang ginagawang paghahanda ng Team Payaman power couple.

Hatid ng VIYLine Media Group (VMG) ang ilang eksklusibong detalye sa paghahanda nina Cong at Viy para sa tinaguriang #perfectCONGVIYnation wedding.

The Prenup Video

Pumalo ng 16 million views ang prenup video nina Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV at Viy Cortez para sa inaabangang #perfectCONGVIYnation wedding.

Sa tulong ng Nice Print Photography & Exige Weddings, naisakatuparan ang island-themed shoot nina Cong at Viy sa Balesin Island sa Quezon Province.

Naging usap-usapan ang nasabing prenup video dala ng nakaka-antig na kwentuhan ng soon-to-be-wed couple patungkol sa kanilang relasyon.

“Handa ka na ba?” tanong ni Viy.

Sagot naman ni Cong: “Handa na! Overdue na nga ‘to!”

Pamamanhikan

Hunyo 10 naman nang ibida ni Viy Cortez sa isang Facebook post ang litrato ng Pamilya Cortez at Pamilya Velasquez na magkasama para sa pamamanhikan.

Ang pamamanhikan ay isang tradisyon ng mga Pilipino kung saan pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay ng babae sa harap ng kani-kanilang mga pamilya.

“Ang pamamanhikan… Salamat mahal, hindi lang apelyido mo ang ibibigay mo sa’kin pati pangalawang pamilya!” ani Viy.

Naging masaya ang pamamanhikan nina Cong at Viy dahil kumpleto ang mga kapatid, pamangkin, at mga magulang ng bawat isa.

Congratulations, and best wishes to you both! God bless!” paunang bati ng mga netizens.

Exclusive Gifts

Bilang pasasalamat sa pagtanggap na maging parte ng kanilang kasal, ilang ekslusibong regalo ang handog ni Viviys para sa kanyang mga Ninang, Bridesmaid, at mga bisita.

Una nang ibinida ni Viy sa isang Facebook post na magkakaroon ng ekslusibong VIYLine Cosmetics product ang kanyang mga bisita.

“Exclusive Viyline cosmetics lippies (10 shades) for my wedding guests and bridesmaids. Isa sa mga shades itong suot ko!” kwento nito.

Bukod sa lip products, isa-isa ring pinadalhan ni Viy ang kanyang mga bridesmaids ng regalong mga bag, na kanilang ibinida sa kani-kanilang social media accounts.

Final Supplier Meeting

Kasado na ang disenyo ng kanilang venue, wedding host, pati na rin ng lights and sounds matapos ang kanilang meeting kasama ang mga suppliers.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Viviys ang kanyang pagkagalak sa kanilang huling pagtitipon bilang paghahanda sa kasal.

“Lapit na talaga.  final meeting with supplier!” aniya.

Get Exclusive Updates

Kamakailan lang ay nagsama ang Team Viviys at VIYLine Media Group upang pag-usapan kung paano nga ba makikisaya ang mga online bisita sa inaantay na #perfectCONGVIYnation wedding.

“VMG x Team Viviys! Full force for #perfectCONGVIYnation!” 

Para maging updated ka sa kasalang Cong TV at Viy Cortez, manatiling nakatutok sa opisyal na Facebook, Instagram, TikTok, at X (dating Twitter) ng VIYLine Media Group!

Yenny Certeza

Recent Posts

Boss Toyo Braves Through Typhoon Kristine to Bring Aid to Storm Victims in Bicol

Sa kabila ng hagupit ng Bagyong Kristine sa bansa, partikular na sa rehiyon ng Bicol,…

10 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Happily Share Their Dream Kitchen Journey

Kamakailan lang ay ipinasilip ng mag-asawang Cong TV  at Viy Cortez-Velasquez ang bagong tahanan ng…

10 hours ago

Help Typhoon Victims When You Shop During VIYLine 11.11 Bayanihan Sale

To celebrate this year’s 11.11 ultimate sale, VIYLine has prepared deals and discounts that you…

1 day ago

New Batch of Influencers You Should Meet at Team Payaman Fair: The Color of Lights 2024

The Team Payaman Fair craze is just around the corner, have you gotten yourselves a…

5 days ago

Team Payaman Kids Dress Up For This Year’s Halloween Celebration

Bilang selebrasyon ng Halloween, nakiisa ang patuloy na dumadaming chikiting ng Team Payaman sa inihandang…

6 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Celebrate New House With Family and Friends

Opisyal nang lumipat sa kanilang bagong tahanan ang mag-asawang Cong TV at Viy Cortez-Velasquez. Sinalubong…

6 days ago

This website uses cookies.