Vien Iligan-Velasquez and Family Fly To Hong Kong For a Disneyland Work Trip

Sa pangalawang pagkakataon, muling binisita ng pamilya nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez ang tinaguriang “Happiest Place on Earth” o ang Hong Kong Disneyland.

Hindi lang basta-basta pamamasyal ang pakay nina Mommy Vien dahil ka-partner nito ang Hong Kong Disneyland para sa kanilang bagong proyekto.

HK AdVIENture

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Vien Iligan-Velasquez ang mga tagpo sa kanilang unang international work trip para sa Hong Kong Disneyland.

Masaya nitong ibinahagi na kasama niya ang kanyang asawang si Junnie Boy, at mga anak na sina Von Maverick, a.k.a Mavi at Alona Viela.

“Akalain mo ‘yun, ‘yung pagiging gastadora ng adVIENture MuyVien, ay makakabalik tayo ng Hong Kong Disneyland!” ani Mommy Vien.

Matatandaang una nang bumisita sa Hong Kong Disneyland ang Pamilya Velasquez noong nakaraang taon para sa selebrasyon ng anibersaryo ng JunnieVien.

Ngayong taon, muling nagbabalik ang Team MuyVien at Team Giyang bilang parte ng tourism campaign sa nasabing pasyalan.

Fun Work Trip

Pagkalapag pa lang sa kanilang hotel, naghanda na agad ang Pamilya Velasquez upang manood ng Disneyland Momentous o ang musical fountain show na ginaganap tuwing 8:30 ng gabi.

Bago ang lahat, naglibot muna ang mga ito sa loob ng kilala ng amusement park kung saan nakita nina Mavi at Viela ang ilan sa mga kilalang Disney characters, gaya ni Duffy at Elsa ng pelikulang Frozen.

Iba’t-ibang atraksyon at mga rides ang sinubukan nina Mommy Vien kasama ang kanyang mga anak na talaga namang ikinatuwa ng mga ito.

Kinabukasan, muling nagbalik ang pamilya sa Disneyland upang maglibot at kumuha ng ilang video para sa kanilang proyekto.

Ilan pa sa napakaraming rides ng Disneyland ang sinubukan ng kanilang pamilya upang masulit ang kanilang pagbisita.

“Bongga, bongga! Ang gandang experience!” kwento ni Mommy Vien.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.