Sa kabila ng kaabang-abang na kasalan ng YouTube power couple na sina Cong TV at Viy Cortez, isa pang Team Payaman couple ang naghahanda na para sa nalalapit nilang pag iisang dibdib.
Tampok sa bagong YouTube vlog ni Aaron Macacua, a.k.a. Burong, ang simula ng paghahanda para sa kasal kasama ang kanyang long-term girlfriend na si Aki Angulo.
Sa nasabing vlog, mapapanood ang food tasting na ibinahagi upang i-update ang kanilang mga tagasubaybay sa paghahanda nila sa kanilang kasal.
“So, nasa food tasting kami ngayon. Nandito kami, guys, para sa food tasting sa kasal namin,” panimula ni Burong.
Sinubukan nila ang iba’t ibang putahe, simula sa appetizer na Baked Scalops, main dish tulad ng Black and White Pasta, salad, at iba pa.
Matagumpay na natapos ng Team Payaman couple ang kanilang food tasting at sinigurong masarap ang ihahain sa mga bisita.
“Tapos na. Okay na, na-secure na natin ‘yung pagkain,” ani Burong.
Bago matapos ang vlog, sinubukan naman ni Burong ang kanyang “groom’s walk” na pabiro pa niyang ginawang napaka-emosyonal.
“Feeling ko ‘di ako maiiyak. Kasi naiiyak ako sa kasal ng iba, eh. So baka nabuhos ko na lahat,” aniya.
Dagdag pa niya, gusto niya sa kasal nila ni TP Wild Cat Aki ay masaya lang.
“Guys, food tasting, done. Next, ano pa ba kulang namin… prenup?” pagtatapos ni Burong.
Ang nasabing vlog ay umani naman ng mga pagbati mula sa netizens:
“Congrats to the both of you” – @rohnwelcastro972
“Congrats po” – @ellieven
“Waiting sa prenup at excited na rin sa kasal niyo” – @reniacional16_29
“May God bless both of you more anď more Congratulations and best wishes in advance” – @bhellapark
Watch the full vlog here:
As children grow more active and curious, keeping them safe during everyday activities becomes increasingly…
Panibagong milestone ang ipinagdiwang ng pamilya Velasquez-Gaspar matapos ang transisyon ng panganay na si…
Sa kanilang pagbisita sa sementeryo noong Undas, nagsagawa ng kakaibang bonding activity ang Team Payaman…
Excited na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga panibagong tagpo…
Hindi man mahilig sa basketball si Mavi, sinubukan pa rin niya ang naturang sport bilang…
In less than 50 days, Team Payaman Fair will once again open its doors for…
This website uses cookies.