Get To Know Capinpin Brothers And What Drives Them To Make Content

Bumida ngayon sa mahigit na isang oras na vlog ni Ninong Ry ang pamilya ni Ser Geybin o mas kilala bilang Capinpin Family.

Sa Back of House (BOH) segment ni Ninong Ry, lubusan pang nakilala ng netizens ang isa sa hinahangaang grupo ng content creators sa bansa na kinagigiliwan dahil sa kanilang mga kwela at relatable contents.

Ninong Ry x Capinpin Family

Sa kauna-unahang pagkakataon, bumisita sina Ser Geybin, Kalo, Capt. Kelzy, Chief Allen, Elma, at Mommy Beth kay Ryan Reyes o mas kilala bilang Ninong Ry, para sa isang masayang salu-salo at kwentuhan. 

Maaga palang ay naghanda na ng pagkaing pagsasaluhan ng Capinpin Brothers si Ninong Ry na aniya’y hango sa mga paboritong pagkain ng mga Pinoy.

Conchinillo, Smoked Belly, Kaldereta, at Apahap ay ilan lamang sa mga putaheng inihandog ni Ninong Ry sa kanyang mga bisita.

Maya maya pa’y dumating na ang pamilya Capinpin dala ang ilang mga pasalubong para kay Ninong Ry. Masaya rin nilang tinulungan ang kusinerong vlogger sa kanyang pagluluto ng kanilang kakaining hapunan.

Pagkatapos ang ilang oras na paghahanda, isang masarap na boodle fight at kwentuhan ang pinagsaluhan nina Ninong Ry at ang Capinpin Family.

“[Nasa] bucket list siguro ng lahat ng tao ngayon ‘to, ‘yung makakain kay Ninong [Ry]. Sobrang sarap, Ninong!” ani Ser Geybin.

Getting Real with Capinpin Bros

Matapos ang kanilang kainan, nakasama ni Ninong Ry sina Ser Geybin, Chief Allen, at Capt. Kelzy sa kwentuhan para sa kanyang BOH segment. 

Una palang ay hindi na napigilan ni Ninong Ry na batiin ang Capinpin Family sa kanilang talento sa pagbibigay saya sa mga manonood.

“‘Pag nakita n’yo ‘yung amount ng tao na napapasaya n’yo, ang dami ng positive energy na binibigay n’yo sa napakaraming tao na nanonood sa inyo,” bungad ni Ninong Ry.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinahagi rin ni Ser Geybin ang dahilan kung bakit nga ba ito nahilig sa pagdodokumento ng mga tagpo sa kanilang buhay.

“Parang iniisip ko, anytime pwedeng may mawala [kaya] kailangan may mapanood ako [na memory],” kwento nito.

Laking gulat din ng Pamilya Capinpin sa bilis ng pagdami ng kanilang mga manonood na patuloy ang pagsuporta hanggang ngayon.

“May time na rin po na naco-conscious kami. Kapag lalabas ng bahay, kailangan masaya ka kasi ‘yun po ‘yung napapanood nila sa’yo,” dagdag pa ng panganay ng pamilya. 

Sa loob anila ng apat na taon, hindi ito pumalya sa pag-a-upload ng daily vlogs sa kanilang mga social media accounts, dahilan upang mas lalong dumami ang kanilang mga manonood.

“Sobrang blessing po talaga para sa amin [ang daily vlogging]. Kaya po kami, kung mapapansin n’yo po sa mga content namin, mayroon po kaming [isang] topic” paliwanag ni Ser Geybin.

Sa ngayon, patuloy lang ang Capinpin Family sa pagbibigay saya sa kanilang mga contents online.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
425
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *