Doc Alvin Francisco Educates Viewers With Severe Allergic Reaction to Skincare Products

Nag-trending kamakailan sa TikTok ang video ng isang lalaking “nagmukhang matanda” matapos gumamit ng isang skin care product.

Alamin ang opinyon at payo ni Doc Alvin Francisco tungkol sa isyung ito sa kanyang bagong YouTube video.

Severe Allergic Reaction

Sa video ng hindi pinangalanang lalaki, makikita ang malaking pagbabago sa kanyang itsura kumpara sa natural niyang mukha.

“Sa before [photo] niya, wala siyang mga wrinkles… tsaka eyebags, wala. Pero dito [sa after], tingnan niyo, oh. Parang tumanda talaga, naging lolo ‘yung itsura niya,” ani Doc Alvin matapos makita ang video.

Ayon kay Doc Alvin, nagkaroon ng allergic reaction o severe irritation ang lalaki matapos gamitin ang nasabing skin care product.

“Very dry ‘yung skin, ‘no. Very dry, magang-maga, tapos puffy… parang lumolobo ‘yung balat,” paglalarawan niya.

Signs and Symptoms

Upang magbigay-kaalaman sa madla, ibinahagi rin ni Doc Alvin ang mga sintomas ng “severe allergic reaction” gaya ng mga sumusunod:

  • Pamumula ng mukha
  • Pangangati ng balat
  • Pakiramdam na makapal at naka-stretch ang mukha
  • Dryness

Ayon sa kanya, sa una’y maaapektuhan lamang ang bahaging nagkaroon ng contact sa “triggering chemical,” pero pwede itong kumalat pagkatapos ng ilang minuto o oras.

Ipinaliwanag din ng eksperto na nagmukhang matanda ang lalaki sa video dahil sa swelling o matinding pamamaga na dulot ng severe allergic reaction.

Tinalakay din ni Doc Alvin ang kahalagahan ng “patch testing” upang malaman kung may sangkap ba ang produkto na hindi naaayon sa balat natin.

“Anumang produkto ‘yan, kahit international, kahit sobrang sosyal na brand, kahit medyo cheaper na brand, dapat nagpapatch testing,” aniya.

Red Flags

Nagbigay rin siya ng ilang “General Guidance” sa paggamit ng bagong produkto. Narito ang listahan ng mga aniya’y “red flag” na sangkap sa isang produkto:

  • Amoy o fragrance
  • Latex
  • Heavy metals
  • Formaldehyde

Para sa iba pang cosmetic allergens, maaaring basahin ito sa:

fda.gov/cosmetics/cosmetic-ingredients/allergens-cosmetics

What To Do

Sinabi rin niya ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag nakaranas ng severe allergic reaction:

  • Huwag kamutin o punasan nang madiin.
  • Gumamit ng lukewarm water o maligamgam na tubig sa paghilamos.
  • Uminom ng antihistamine.

Higit sa lahat, kapag nakaramdam ng pagsakit ng tiyan, hirap sa paghinga, at pagkahilo, dapat umano’y tumakbo na sa ospital dahil posibleng kumalat na sa buong katawan ang allergic reaction.

Watch the full video here:

Angel Asay

Recent Posts

How to Prevent Ascites? Doc Alvin Explains Ivana Alawi’s Medical Condition

Sa kanyang bagong YouTube vlog, ipinaliwanag ng vlogger at TP Friends na si Dr. Alvin…

2 days ago

Iligan-Velasquez Family Kicks Off Holiday Season by Decluttering and Decorating at Home

Bago sumapit ang Disyembre, nakasanayan na ng maraming pamilya ang maglinis, mag-ayos, at maghanda ng…

3 days ago

Cong, Viy, Pat, and Keng Get Real About the Reality of Parenthood

Isa sa mga gumulat sa mga taga-suporta ng Team Payaman ay ang halos sabay na…

3 days ago

Fall in Love With the New and Improved Viyline Cosmetics Aqua Cream the Second Time Around

Love is indeed sweeter the second time around. Vlogger and VIYLine Cosmetics girl boss, Viy…

5 days ago

Team Payaman’s Junnie-Vien and Pat-Keng Share a Fun-filled Double-date in Taiwan

Puno ng tawanan at kulitan ang bagong vlog ni Mommy Vien Iligan-Velasquez, kung saan kasama…

5 days ago

Team Payaman’s Burong Makes Acting Debut in Pencilbox Studios

Isa sa mga hinahangaang miyembro ng Team Payaman si Aaron Macacua, na mas kilala bilang…

6 days ago

This website uses cookies.