Bukod sa paghaharap ng Cong’s Anbelibabol Basketball at Star Magic Shooting Stars Blue, isa rin ang BINI sa mga nakasalamuha ng Team Payaman sa naganap na Star Magic All Star Games 2024 sa Araneta Coliseum noong Linggo, June 2, 2024.
Hatid ng VIYLine Media Group (VMG) ang ilan sa mga pinag-uusapang interkasyon ng Team Payaman kasama ang Nation’s Girl Group na BINI.
Isa sa mga nagpasaya ng mga manonood sa Araneta Coliseum ay ang inabangang guest performance ng all-girl Ppop group na BINI matapos ang half time ng ikalawang basketball match.
Bago pa man magsimula ang laro, una nang nakasalamuha ng Cong’s Anbelibabol Basketball Team ang BINI matapos ang kanilang rehearsal.
Hindi napigilan ng grupo na mag fanboy matapos makita ng personal ang grupong BINI.
“Panalo na!” ani Carding Magsino sa isang Facebook post.
Matapos naman suportahan ni Vien Iligan-Velasquez ang mister na si Junnie Boy, ultimate fangirl naman ang peg nito backstage.
“Makita ko lang kayo ng personal sobrang saya ko na, mas sumaya nung napanuod ko performance niyo!” kwento ni Vien sa kanyang Facebook reel.
Hindi naman napigilan ni Vien na mapatili sa kilig nang personal na nitong makamayan ang mga miyembro ng BINI.
Gaya ni Vien, isa rin si Viy Cortez sa hindi sinayang ang pagkakataong makasalamuha ang BINI backstage. Sa kanyang TikTok video, ipinasilip rin nito ang mga tagpo ng kanilang pagkikita.
“Oh my gosh, hello po!” bungad ni Viviys.
Isa sa mga lalong nagpakilig sa Team Payaman fans at BLOOMS ay ang tanong ni Viviys sa madla na: “Gusto n’yo ba BINI sa TP Fair?”
Usap-usapan naman ngayon sa social media app na X (dating kilala bilang Twitter) ang personal na pagkikita ng Team Payaman at ng BINI.
Hindi rin napigilan ng BINI member na si Maloi Ricalde na ipagmalaking solid supporter ito ni Cong TV noon pa man. Ikinatuwa rin nitong malaman na siya pala ang “bias” ng nag-iisang Cong TV.
“Ahh, si Maloi!” taas noong sagot ni Cong nang tanungin ang kanyang bias o paboritong member sa BINI.
“Bias ko din si Sir Cong! ‘Mga paa, Ano, jasmin ano ba? Nagbibidyo kami rito eh!!! Pasalamat ka nakabidyo! Chicken feet out, pawer! Peace! Queeeek!’” pabirong sagot ni Maloi sa isang post.
@minahoIic: “OH MY GOD BIAS NIYA NA SI CONG BEFORE PA SILA MAGING TEAM PAYAMAN MIMA SLAY KA DYAN !!!!”
@Fujikowa_: “Team payaman supporter pala to eh!”
Ito na ba ang simula ng posibleng collaboration ng BINI at Team Payaman? Makikita rin kaya natin sila sa nalalapit na Team Payaman Fair 2024 sa Disyembre? ABANGAN!
The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…
Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…
Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…
Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…
Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…
Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…
This website uses cookies.