Awi Columna’s Team Paresan Featured in Unang Hirit; Introduces New Must-Try Chix Pares

Dahil tag-ulan na naman sa bansa, isa ang pares sa mga putaheng hinahanap-hanap ng mga Pinoy bilang pangontra sa malamig na panahon.

Kung hanap mo ay pangmalakasan na pares sa Bacoor, Cavite, sagot na ng Team Paresan ‘yan! Kilalanin ang kanilang ipinagmamalaking “Chix Pares.”

Chix Pares

Kahit marami nang paresan ang nagsusulputan ngayon sa bansa, tiwala pa rin ang Team Payaman vlogger at negosyanteng si Awi Columna sa kakaibang atake ng kanyang “Team Paresan.”

Bumida sa Unang Hirit ang nasabing miyembro ng Team Payaman upang ipakilala ang kaniyang pinagkakaabalahang negosyo na patok sa panlasa ng masa.

Bukod sa mga pangkaraniwang seleksyon ng pares, isa sa mga ipinagmamalaki ni Awi ay ang kanilang Chix Pares.

“Ang Chix Pares, dahil pares pa rin s’ya, mayroon tayong soup base na tinatawag na beef pa rin. May touch pa rin s’ya ng lasa ng pares,” paliwanag ni Awi.

Aniya, ang sabaw ng pares ay kanilang tinitimplahan ng buto-buto ng baka na pinakukuluan sa loob ng anim na oras upang makamit ang katakam-takam na sabaw.

Pagkatapos ang pagpapakulo, kanila aniyang idinadagdag ang “aromatics” o iba pang mga pampalasa sa pares.

Matapos ihanda ang sabaw, sunod na hinalo ang pritong manok na swak sa mainit na sabaw ng pares.

“[Ito ay] may pawer na lasa!” pagbibida ni Awi.

Affordable Pares

Bagamat siksik sa sangkap ang Chix Pares ng Team Paresan, siniguro ni Awi na swak pa rin ito sa budget na pang masa.

Sa murang halaga, pwede mo nang matikman ang Chix Pares Regular at Chix Pares Overload na may Boneless Chicken & Beef at Unli Rice.

Kung nais matikman ang binabalik-balikang pares ng Team Payaman, sugod na sa Team Paresan na matatagpuan sa 4102 Bunag Bldg. Molino 1, Bacoor, Cavite. Bukas sila mula Martes hanggang Linggo, mula alas dose ng tanghali hanggang alas dos ng madaling araw.

Kung nais mo naman magpa-deliver, maaari namang tawagan ang kanilang numero: +63 919 518 8606 o kaya’y magpadala ng mensahe sa kanilang na Facebook page.

Watch the interview here:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

12 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

24 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.