Yow Andrada Highlights Bok’s Driving Milestone in Latest Congpound Reality Show Episode

Matatandaang sa mga nakaraang YouTube uploads ni Yow Andrada, naging tampok nito ang reality show sa Congpound na pinagbibidahan ng mga miyembro ng Team Payaman.

Sa pinakabagong vlog ni Yow, inilabas niya ang ika-limang episode ng Team Payaman reality show na may titulong “bibili tayo ng halo-halo, kuya.” 

Sa episode na ito, nasubok nina Yow at Steve Wijayawickrama ang driving skills ni Carlos Magnata, a.k.a Bok.

Bok’s Driving Milestone

Sa nakaraang vlog na “edi ipa-billboard mo,” hindi pinahintulutan si Bok na mag-drive ng kotse dahil sa kakulangan nito ng karanasan sa pagmamaneho. Kaya naman kitang-kita ang tuwa ni Bok nang sa wakas ay pinayagan na siyang magmaneho ng mga kaibigan.

“Legit nga, nagda-drive nga ata talaga ‘to si Bok,” ani Yow habang nasa biyahe.

“Panis, marunong nga si Bok mag-drive,” dagdag pa nito.

Makikita sa episode ang pagkaroon ng kumpiyansa sa sarili ni Bok sa bawat liko ng manibela. Sa huli, masaya nilang pinagsaluhan ang halo-halong kanilang nabili.

Ibinahagi pa ni Bok na nadagdagan ang rate sa kaniyang driving skills at balak niyang magmaneho ng mas malaking sasakyan.

Netizens’ Reactions

Umani naman ng maraming positibong komento mula sa mga tagasubaybay ang nasabing reality show vlog ni Yow. 

@l*******862: “Ito ang paborito kong ‘paksyon’ sa Team Payaman. Natural. Hindi OA yung mga cast. Wala pang main character.”

@c******107: “Maganda yung ganitong tema, natural lang.”

@j*******189: “More vlogs na gan’to, Kuya Yow.”

@k******060: “Ganda, parang [situation comedy]”

Tunay na nakakaaliw ang bonding moments ng Team Payaman tulad ng simpleng pagbili ng halo-halo na ipinapakita ni Yow Andrada sa kanyang mga vlogs. 

Abangan ang mga susunod na episode ng Team Payaman reality show para sa higit pang kwento at kasiyahan.

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

15 minutes ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

This website uses cookies.