Hindi maipagkakaila na isa ang grupo ng Team Payaman sa mga tinitingala ngayon sa industriya ng content creation dala ng kanilang kwela at pagiging tunay sa kanilang mga online content.
Alamin ang ilan pa sa napakaraming dahilan kung bakit marami ang patuloy na sumusuporta sa biggest vlogger group ng bansa.
Pumalo ng mahigit sa anim na milyong views ang isang social interview reel ng Black Cookies Production kung saan nagtanong-tanong sila kung sino nga ba ang paboritong vloggers ng kabataan sa ngayon.
“Sino ang pinaka paborito n’yong influencer?” tanong ng mga ito.
Una palang ay hindi na nawala ang pangalan ng Team Payaman head na si Cong TV sa sagot ng mga nakapanayam na estudyante.
“Si Cong TV po [simula nung] wala pa sila sa bahay nila [Payamansion],” kwento ng isa.
Dagdag naman ng isa: “Nakaka-entertain po kasi ‘yung mga videos nila.”
“Dati pa, ‘yung mga content n’ya talaga is more on motivationa,l” paliwanag pa ng isang taga suporta.
Bukod kay Cong TV, isa rin sa mga hinahangaan ng mga kabataang manonood ay ang kapatid nitong si Junnie Boy na aktibo rin pagdating sa pagbibigay saya sa kanyang mga vlogs.
“Mahilig po akong manood sa mga nakakatawang personality,” paliwanag ng isang certified Team Giyang.
At syempre, marami rin sa mga natanong ng Black Cookies Productions ang walang sawang nanonood ng mga vlogs sa grupo ng Team Payaman.
Hindi rin naman nagpahuli ang mga manonood sa pagbida sa Team Payaman bilang isa sa kanilang mga paboritong content creators.
Jop Garrido: “[Favorite ko si] Cong TV since ‘Thou shall not’ [era n’ya].”
Florence Castro Capaycapay: “Fave: Team Payaman (sincere and family oriented)”
Rizza Tumaliuan – Chavez: “Cong TV and Team Payaman is the best!!!!!”
Jengus Priestly: “[I’m a fan of] Cong TV since he dropped this video 9 years ago.”
Watch the full video:
Hindi lang busog ang tiyan kundi busog din sa rebelasyon ang mga manonood matapos…
Summer is all about sunshine, road trips, beach days, and food adventures — but finding…
Isang legendary vlog ang hatid ng Team Payaman Wild Dogs, Y Kulba, at Team Harabas…
Cong TV’s clothing brand, known as ‘Team PYMN,’ officially added two more designs to its…
Isang hindi inaasahang pagsasama-sama ng iba’t ibang personalidad ang mapapanood sa bagong episode ng vlog…
Get ready to serve, smash, and score at the highly anticipated Playhouse Pickleball Tournament happening…
This website uses cookies.