Isa sa mga masasayang karanasan ng mga bata ay ang paglalakbay at pamamasyal kasama ang kanilang mga classmate sa paaralan.
Dahil hindi pa nakakaranas ng “field trip” ang panganay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez, naisipan nilang gumawa ng sariling bersyon nito kasama ang bunso na si Viela.
Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Vien Iligan-Velasquez ang mga manonood sa kanyang ginawang do-it-yourself (DIY) field trip para sa kanyang mga chikiting.
Aniya, nais niyang maranasan ng mga anak ang pamamasyal sa ilang sikat na field trip destinations gaya ng factory ng ilang kilalang produkto gaya ng Gardenia, Yakult, at Chips Delight.
“Saan ba ‘yung gawaan ng Mountain Dew, pwede kong dalhin ‘to [Mavi]. Mountain Dew, saan po ba ‘yung gawaan n’yo?” biro ni Junnie Boy.
Una na nilang binisita ang The Mind Museum sa Taguig dahil nais ni Mommy Vien na lalo pang matuto at mamangha ang kanyang mga anak pagdating sa siyensya.
Pagdating ay agad na sumabak sa mga aktibidad at paglilibot sina Mavi. Game na game ring nakipagkulitan sina Junnie at Vien sa kanilang mga anak.
“Sa tingin ko naman nag-enjoy s’ya [Mavi], and sana, may mga susunod pa kaming trip, [sana] hindi lang ito ‘yun,” kwento ni Mommy Vien.
Sunod namang dinala ng mag-asawang Junnie-Vien si Mavi sa Strike Fire and Rescue Village upang matuto ng mga pangunahing kaalaman sa pagsugpo ng apoy o sunog.
“Dahil sobrang init po, talagang hindi na kaya ng aircon ‘yung init ngayon,” pangamba ni Mommy Vien.
Game na game ring nakisali si Daddy Junnie sa demonstration ng tamang paghahanda kung sakaling magkaroon ng sunog.
Bukod sa sunog, tinuro rin sa seminar ang ilang paghahanda kung sakaling tumama ang isang malakas na lindol, at pagbibigay ng first aid sa mga nasugatan.
Kasama ang ilang mga kalaro, masayang ginampanan ni Mavi ang kanyang pagiging bumbero at kanyang inuwi ang mga natutunan mula sa nasabing seminar.
Watch the full vlog below:
Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…
"Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…
Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…
Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…
The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…
Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…
This website uses cookies.