Boss Keng Revealed What Interrupted His Daily Vlog Uploads

Sa bagong YouTube vlog, ibinahagi ni Boss Keng ang dahilan sa likod kung bakit pansamantalang natigil ang kaniyang halos araw-araw na YouTube uploads. 

Ito ay matapos ma-ospital ang nasabing Team Payaman vlogger dahil ng vertigo o ang pakiramdam ng matinding pagkahilo at sakit ng ulo. 

Kaya pagpasensyahan niyo na kung hindi ako nakapag-upload. Tingnan niyo naman, na-hospital na,”  mensahe ni Boss Keng sa kanyang mga manonood.

Mga Payong Iwas Vertigo

Sa isang usapan habang kumakain sa hapag-kainan, pinagsasabihan si Boss Keng ng asawang si Pat Velasquez-Gaspar na bawasan ang oras ng paggamit ng computer dahil ito aniya ang sanhi ng vertigo ng kanyang asawa.

“Over ka sa computer. Ngayon, babantayan na kita. Ang time mo lang diyan, 4 hours,” ani Pat.

Hirit naman ni Boss Keng ay payagan siya ng kahit anim na oras.

Love, number 1 sinabi ng doctor,  ‘wag kang makikinig sa asawa mo dahil i-stress ‘yan,” biro ni Keng sa asawa. 

Gusto ko lang mag-computer nang matagal ng kahit six hours lang,” dagdag n’ya.

Samantala, ibinahagi rin ni Boss Keng ang mga kaganapan sa ospital kasama si Nelson Mendoza,  a.k.a. Sonny J, kung saan ikinuwento niya na matagal na panahon na mula noong huli siyang na-ospital.

Kaya naman ang payo sa kanya ni Sonny J ay ipagpatuloy na muli ang pag-eehersisyo sa gym na aniya ay naudlot din ng halos isang buwan.

Siguro kailangan mo lang maging physically fit, kahit saktong gym lang,” ani Sonny J.

Sa huli, pinasalamatan naman ni Boss Keng ang mga kasama niya sa bahay na nag-aalaga sa kanya sa pamamagitan ng pagdadala ng tubig at pagpapaalalang uminom ng gamot.

Okay na ‘yung dalhan ka ng gamot tsaka tubig, ‘wag lang sa ospital,” sabi naman sa kanya ni Sonny J.

Watch the full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Team Payaman Embarks on a Spontaneous 24-Hour Puerto Galera Trip

Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …

18 hours ago

Top 5 Tips to Enjoy Team Payaman Fair 2024: The Color of Lights

This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…

20 hours ago

Kidlat Core: 4 Times Kidlat Effortlessly Broke the Internet

Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…

2 days ago

Netizens Hilariously React to Cong TV and Kidlat’s Clingy Moments

Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares First Playschool Preparations For Kidlat

Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…

3 days ago

Cortez Family Joins “Pagsinta kay Maria” at Sto. Niño de Cebu Parish, Biñan

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Feast of Our Lady of the Rosary tuwing Oktubre, isinasagawa…

4 days ago

This website uses cookies.