Kamakailan lang ay lumipad patungong Thailand ang Team Payaman girls para sa surprise bridal shower para kay Viy Cortez.
Sa bagong YouTube vlog ng Team Payaman momma na si Pat Velasquez-Gaspar, tampok ang pagiging emosyonal nito sa pag-alis patungong Thailand dahil sa “mom guilt” na nararamdaman sa pag-iwan nito sa anak na si Baby Isla.
“Ang hirap naman… ganito pala yung mga nag a-abroad. Ang hirap hirap, ang sakit sa puso,” ani Pat habang nagpapaalam sa kaniyang anak.
Habang nasa byahe patungong airport, todo naman sa pagpaalala si Pat sa kaniyang asawa na si Boss Keng tungkol sa mga kailangang gampanan para sa anak.
“Dad, ipinagkakatiwala ko sa’yo si Isla… nang apat na araw!” pagbilin ni Pat. Inisa-isa rin nito ang mga gamot, pagkain, doctor’s appointment, maging ang routine ni Isla sa araw-araw.
Samantala, ibinahagi naman ni Boss Keng kung gaano ka-clingy kay Mommy Pat si Isla boy.
“Kunwari, nagising siya… malambing siya sa‘kin, sobra. Bonding kami, lalaro kami, dede kami, pero ‘pag nakita ka na [Pat] niya, wala na… hindi na ‘ko pinapansin,” kwento ni Boss Keng.
“Tapos iiyak pa kapag ‘di ko kinuha. Kaya ganun kahirap sa’kin na umalis, kasi sobrang clingy sa‘kin ni Isla boy. Kaya ako rin, nagkaka-sepanx din talaga ko… na nawawalay ako sa kanya,” dagdag ni Pat.
Umani naman ng iba’t ibang komento mula sa netizens ang senaryong ito. Maging sila ay naka-relate din sa mom guilt na nararamdaman tuwing maiiwan ang anak.
@argela1823: “Yes Pat, 9 months lang baby ko nung umalis ako papuntang [Canada]. Parang naiwan half ng sarili mo. Pero sana manormalize yung ganito, na deserve talaga ng mga mommy na magkaroon din ng time para sa sarili. Nakaka guilty pero know that deserve mo yan at mas makakabuti din kay Isla.”
@mommymengsvlog: “Grabe ang Mom’s Guilt ate Pat. I feel youuuu. Pero minsan talaga kailangan nating mga mommy ang magkaroon ng time para sa sarili natin. Kaya salute sa mga partner natin na maaasahan sa pag-aalaga sa ating chikiting.”
@starpis17: “Ganda ng pag document Pat. Nakakaawa si Isla Boy umiyak but [deserve] din ng ina ang me time paminsan minsan. Lalo na supportive husband si BK todo bantay din.”
@tin21Ganda: “I can relate sa mom’s guilt. Masakit na mag vivideo call lang pero hindi ka pwedeng magpakita kasi talagang iiyak and dvo-manila ang layo namin. Peroooo parang ako lang nagka sepanx ang mga anak ko hindi. Deserve natin mga momsh magka me time talaga, sobrang healthy mentally.”
Watch the full vlog below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.