Boss Keng Revealed What Interrupted His Daily Vlog Uploads

Sa bagong YouTube vlog, ibinahagi ni Boss Keng ang dahilan sa likod kung bakit pansamantalang natigil ang kaniyang halos araw-araw na YouTube uploads. 

Ito ay matapos ma-ospital ang nasabing Team Payaman vlogger dahil ng vertigo o ang pakiramdam ng matinding pagkahilo at sakit ng ulo. 

“Kaya pagpasensyahan niyo na kung hindi ako nakapag-upload. Tingnan niyo naman, na-hospital na,”  mensahe ni Boss Keng sa kanyang mga manonood.

Mga Payong Iwas Vertigo

Sa isang usapan habang kumakain sa hapag-kainan, pinagsasabihan si Boss Keng ng asawang si Pat Velasquez-Gaspar na bawasan ang oras ng paggamit ng computer dahil ito aniya ang sanhi ng vertigo ng kanyang asawa.

“Over ka sa computer. Ngayon, babantayan na kita. Ang time mo lang diyan, 4 hours,” ani Pat.

Hirit naman ni Boss Keng ay payagan siya ng kahit anim na oras.

“Love, number 1 sinabi ng doctor,  ‘wag kang makikinig sa asawa mo dahil i-stress ‘yan,” biro ni Keng sa asawa. 

“Gusto ko lang mag-computer nang matagal ng kahit six hours lang,” dagdag n’ya.

Samantala, ibinahagi rin ni Boss Keng ang mga kaganapan sa ospital kasama si Nelson Mendoza,  a.k.a. Sonny J, kung saan ikinuwento niya na matagal na panahon na mula noong huli siyang na-ospital.

Kaya naman ang payo sa kanya ni Sonny J ay ipagpatuloy na muli ang pag-eehersisyo sa gym na aniya ay naudlot din ng halos isang buwan.

“Siguro kailangan mo lang maging physically fit, kahit saktong gym lang,” ani Sonny J.

Sa huli, pinasalamatan naman ni Boss Keng ang mga kasama niya sa bahay na nag-aalaga sa kanya sa pamamagitan ng pagdadala ng tubig at pagpapaalalang uminom ng gamot.

“Okay na ‘yung dalhan ka ng gamot tsaka tubig, ‘wag lang sa ospital,” sabi naman sa kanya ni Sonny J.

Watch the full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

24 hours ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

1 day ago

Dudut Lang Exposes the Truth Behind His 11-Year Relationship and Team Payaman on ‘Galit-Galitan Podcast’!

Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB…

1 day ago

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

3 days ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

5 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

5 days ago

This website uses cookies.