Here’s What Went Down During Team Velasquez’s Mother’s Day Celebration

Pagkabalik mula sa Thailand para sa surprise bridal shower kay Viy Cortez, nagsama-sama ang Pamilya Velasquez upang ipagdiwang ang Araw ng mga Ina.

Samahan ang ilang Congpound housemates sa kanilang Mother’s Day bonding kasama ang ilaw ng kani-kanilang mga tahanan.

Mother’s Day Gift

Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Pat Velasquez-Gaspar ang mga manonood sa kanilang family day.

Bagamat pagod galing sa kanilang Thailand trip, hindi pa rin nito pinalampas ang pagkakataong makasama ang kanyang ina at ilang Team Payaman members upang ipagdiwang ang Mother’s Day.

Ito rin ang unang beses na nagdiwang si Mommy Pat ng Mother’s Day bilang isang ganap na ina sa unico hijo na si Baby Isla.

Sa kanyang unang taon bilang isang ina, walang kahit na ano pang hiniling si Pat dahil laking pasasalamat nito sa asawa na kanyang kaagapay sa pag-aalaga kay Isla.

“Ang pinakaregalo talaga sa akin ni Keng ay binantayan n’ya si Isla para kahit papaano maka-alis ako, makapag-unwind ako” kwento ni Mommy Pat.

Ibinahagi rin nito na isa sa pinakamagandang regalong natanggap niya mula kay Isla ay ang pagkakataong makabuo ng tatlong hakbang na ayon kay Pat ay nangangahulugang “I love you.”

“Thank you, Isla sa gift mo kay Mama! It’s the best gift ever! Wala nang kahit anong materyal na bagay [ang makakapantay]. I’m so happy, naglalakad na si Isla!” pasasalamat ni Pat.

Dinner Date

Nagsama-sama naman ang pamilya nina Junnie Boy at Vien, Boss Keng at Pat, kanilang ate Venice, Mama Revlon, at Papa Shoutout upang magsalu-salo sa hapunan. 

Hindi rin nagpahuli ang Team Payaman kids na sina Baby Isla, Alona Viela, at Kuya Mavi, na batiin ang kanilang mga nanay at Lola ng isang matamis na “Happy Mother’s Day”

Matapos kumain, agad na inaya nina Venice at Pat ang kanilang nanay sa isang Mother’s Day impromptu interview, kung saan binalikan nito ang ilan sa mga hindi malilimutang karanasan bilang isang ina.

“Pagdating na ng hapon, kapag galing kayo sa school, tabi tabi tayo sa sala [sinasabihan ko kayo na] hindi kayo pwede lumabas hanggat ‘di kayo natutulog,” kwento ni Mama Revlon.

Dagdag pa nito: “Nakakamiss rin ‘yung mga ganun, ang saya!”

Inisa-isa rin nito ang mga ugali ng kanyang mga anak magmula kay Cong TV hanggang kay Pat noong sila’y mga bata pa.

“Si Cong talaga, very outgoing talaga s’ya. Marami s’yang ineexplore,” kwento ni Mama Revlon.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

3 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

4 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

5 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

5 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

6 days ago

This website uses cookies.