“Walang katumbas na saya ang maging isang ina.”
‘Yan ang sinabi ng nobya ng vlogger at entrepreneur na si Jayson Luzadas, a.k.a. Boss Toyo, na si Mary Jhoy, o mas kilala bilang si “Madam Loves Jhoy,” matapos ang tagumpay sa mahabang karanasan sa in vitro fertilization (IVF) procedure.
Sa isang Facebook post, nagpahayag si Madam Loves Jhoy ng galak sa kanyang anunsyong sa wakas ay magkakaroon na sila ng mini-Boss Toyo.
Image source: Loves Jhoy Facebook Page
“May TOYO Liit na kami ni Boss Toyo!” aniya sa nasabing post kaakibat ang mga larawan mula sa ginanap na gender reveal party.
Kwento pa ni Jhoy, ilang beses na silang bigong sumubok sa IVF treatment at noong nakaraang taon lamang ay nakunan siya ng kambal na resulta rin sana ng IVF.
Ang in vitro fertilization ay ang pagsasama ng itlog ng babae at semilya ng lalaki, hindi sa loob ng katawan, kundi sa isang laboratoryo.
Ani Jhoy, hindi lang sa bulsa mabigat ang IVF procedure, kundi pati sa katawan at emosyon ng babaeng nagdadalang-tao.
Laking pasasalamat naman ni Jhoy sa kanyang mga doctor para sa masusing pag-aalaga ng mga ito sa kanya at sa kanilang paparating na anak.
Kwento naman ng kanyang doktora na si Dra. Eileen Co-Sy ng Co-Sy Fertility Clinic & IVF Center sa isang Facebook post, limang taon na sumusubok ang magkasintahan mula pa noong August 2021.
“Since our investigation showed severe factors (pelvic endometriosis, blocked tubes, increased sperm DNA fragmentation) we knew that their only chance to conceive is by IVF,” saad ni Dra. Co-Sy sa kanyang post.
Image source: Loves Jhoy Facebook Page
Ang mensahe naman ni Jhoy para sa kanyang anak: “Mommy is so excited to see you! I love you with my heart”.
Dagdag pa ni Jhoy, ibabahagi rin niya ang kanilang buong karanasan sa IVF sa pamamagitan ng isang vlog, hindi man ngayon, ngunit sa tamang panahon.
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
This website uses cookies.