Junnie Boy and Vien Celebrate 2nd Anniversary With Deep Conversation About Marriage

Dalawang taon matapos ikasal noong taong 2022, ipinagdiwang ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez ang kanilang anibersaryo sa King City of the South, ang Davao.

Alamin kung ano nga ba ang patuloy na nagpapatibay sa relasyon ng mag-asawang mayroong dalawang anak, at kung ano ba ang sikreto ng kanilang masayang pamilya.

Heart-to-Heart Talk

Isinama ni Junnie Boy ang kanyang mga manonood sa kanyang Anniversary Vlog kasama ang kanyang asawa’t mga anak.

Kaliwa’t kanan na paglangoy, pagkain, at pamamangka ang ilan sa mga aktibidad na unang sinubukan ng pamilya Velasquez.

Agad na ginamit ni Junnie Boy ang pagkakataon upang makausap nang masinsinan ang kanyang misis.

“Itong mga itatanong ko sa’yo, ay para mag-grow lang tayo as husband and wife,” bungad nito.

Nang tanungin nito si Mommy Vien kung ano nga ba ang bagay na ipinagmamalaki nito pagdating kay Junnie, agad nitong sinagot na proud ito sa pagiging hands-on sa kaniyang mga anak at pamilya.

“Sobrang swerte natin Dad na mayroon tayong oras para sa mga anak natin…” ani Mommy Vien.

Binati rin ni Junnie ang pagiging strong, independent woman ng kanyang asawa. Hangang-hanga aniya ito sa galing ni Vien na harapin ang mga problema nang matatag.

Habang patuloy na namamalaot, nagbahagi ang dalawa ng ilan sa mga aral na nais nilang ipamana sa kanilang mga anak.

Ani Vien: “Ang gusto ko maging impluwensya kami kay Mavi na kailangan makatapos s’yang mag-aral.  Maganda na as magulang, ipinapakita namin na naka-graduate kami, may diploma kami.” 

Ayon naman kay Junnie, masaya ito kapag kanyang napapansin na nakikita ng panganay nitong si Mavi ang pagmamahalan ng kanyang Mommy at Daddy.

“Kaya ko s’ya proudest moment kasi nakikita ko ‘yung resulta kay Mavi, kung paano s’ya nagiging malambing kay Viela,” kwento ni Junnie.

Sa huli, nagbahagi ng ilang mga pangako o vow si Vien sa kanyang mister upang mas lalong tumibay ang kanilang relasyon.

“Sa 2 years natin, I’m so very thankful na ikaw ‘yung lalaking dumating sa akin. Sobrang swerte ko dahil dumaan man ‘yung mga mapapait na ala-ala ko before, napalitan mo ng sobrang saya! Alam ko na kahit anong problemang dumaan sa’tin, I know na malalampasan natin ‘yan,” ani Vien.

Touching Messages

Sa nasabing vlog, ipinahatid naman ng mga manonood ang kanilang pagbati para sa ikalawang anibersaryo ng mag-asawang Junnie-Vien.

@resiennn: “Naalala ko tuloy yung Annivlogsary nila Cong and Viy. Happy Anniversary Jun and Vien!”

@sheannegunthe: “Awww! Long live couple! My Junnie-Vien heart!”

@HamsaraniSandra-lc8ie: “Happy Anniversary, Junnie-Vien! Team Payaman, ingat palagi!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
95
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *