Boss Keng and Mommy Pat Share Son Isla’s Transition From Homeschooling in New Vlog

‎

Panibagong milestone ang ipinagdiwang ng pamilya Velasquez-Gaspar matapos ang transisyon ng panganay na si Kuya Isla mula sa dating homeschooling patungo sa pormal na silid-aralan.

‎

The Decision Behind the Switch to Formal Schooling

‎Ayon sa mag-asawa, layunin ng paglipat na ito na mas maagang maihanda si Isla sa pagsabak sa mas malaking eskwelahan sa mga susunod na taon, partikular na sa pagbuo ng kanyang social skills at pakikipagkaibigan.

‎”So guys, ngayon ihahatid namin si Isla kasi siya ay nire-ready na namin for big school. Tama na yung homeschool sa ngayon… kailangan na namin siyang i-ready for big school kasi next year mag-four na siya…”

‎Paliwanag din ng mag-asawa, isinabay nila ang pagpili ng paaralan na may tatlong minutong layo lamang mula sa kanilang tahanan upang mas madali silang makapag-adjust bilang mga magulang.

Classroom Preparation

‎Bago pa man makarating sa paaralan, sinanay na nina Mommy Pat at Daddy Keng kung paano magpakilala sa kanyang mga bagong kaklase at guro. Sa gitna ng kulitan sa sasakyan, ibinahagi ng bata ang kanyang buong pangalan at mga paboritong bagay.

‎Ibinahagi rin ng mag-asawa na sa kabila ng pagiging mahiyain ni Isla kapag may nakatapat na camera, mabilis naman itong nakikipag-interact kapag personal na nakakasama ang ibang tao.

Quick Classroom Adjustment

Pagdating sa eskwelahan, naging susi ang paghahanda ng mga laruan tulad ng dinosaur upang mawala ang kaba ng bata. Bagamat may kaunting separation anxiety sa simula, naging mabilis ang pagpapalakas ng loob ni Isla.

‎”Ayun ang maganda sa anak ko guys, bigyan niyo lang ng dinosaur, wala na—iwan na kami!” hirit pa ni Boss Keng.

‎A Successful First Day

‎Nang sunduin ang bata pagkatapos ng klase, ikinatuwa ng mga magulang ang positive feedback ng guro tungkol sa ipinakitang disiplina at pakikibagay ni Isla sa silid-aralan.

“Sumusunod daw kay teacher sabi… medyo shy nung una pero nung tumagal-tagal na, okay na siya.” kwento mi Mommy Pat.

‎Sa kanilang pag-uwi sa bahay, masayang ikinuwento ni Isla ang kanyang karanasan, kabilang ang paglalaro ng bola, pag-aaral tungkol sa mga hayop, at ang pagkakaroon ng mga bagong kalaro sa silid-aralan.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
20
Article Tags:
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *