Team Payaman’s Genggeng Gets Tips from Ex-PBB Housemates

Sa nagdaang vlog ni Cong TV, ibinida ang hangarin ni Kevin Cancamo o mas kilalang Genggeng, na mapabilang sa bagong edisyon ng Pinoy Big Brother (PBB) House.

Tampok naman ngayon sa pinakabagong YouTube vlog ni Cong ang pakikisalamuha ni Genggeng sa ilang ex-housemates ng PBB House, kung saan siya ay humingi ng opinyon hinggil sa posibilidad na pagpasok niya sa Bahay ni Kuya. 

Stay Informed and Be Yourself

Unang nakapanayam nina Cong at Genggeng ang dating Pinoy Big Brother Teen Edition 4 Housemate na si Karen Reyes.

“Ito, hihingi tayo ng advice, artista ‘to,” ani Cong TV. 

“Madam Karen, p’wede po humingi ng advice? Kasi gusto po niya pumasok sa PBB,” bungad ng 32-anyos na vlogger. 

Ayon sa ex-housemate na kalaunan ay naging aktres, kailangang alam ni Genggeng ang mga nauusong usapan o trend. 

“Uso ngayon ‘yung BINI, eh! So, dapat po alam niya ‘yung mga ganon?” tanong ni Cong TV. 

Sumang-ayon naman dito si Reyes. “Dapat alam mo. Kasi, may mga tanong dun na parang mind [blowing] s’ya,” ani niya. 

“Ito lang, just be yourself. Legit ‘to, totoong advise, just be yourself,” dagdag pa niya. 

Practice Patience and Be Witty

Nilapitan naman nila ang dating PBB Double Up Big Winner na si Melai Cantiveros. 

“Ito po si Genggeng. Ngayon, gusto po nitong pumasok sa PBB. Ano po ang maipapayo ninyo sa kan’ya?” pagpapakilala ni Cong TV. 

“Hanapin mo muna yung susi sa bahay ni kuya,” biro ni Melai. 

“Baka may masa-suggest po kayo sa pag-aartista sa kanya. Ano po bang kailangan niya?” tanong ni Cong TV. 

“Ang kailangan mo… facial wash—” muli pang biro ng Big Winner. 

“’Pag nakapasok ka dun, [mag] pasensya ka sa pila… malay mo ikaw na ang next na Big Winner,” payo ni Melai. 

Ibinahagi rin niya na kailangang maging matalino si Geng sa pagtupad ng mga hamon ni Kuya sa loob ng bahay. 

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

3 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

4 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

5 days ago

This website uses cookies.