Opisyal nang sinalubong ng Team Payaman ang tag-init matapos ang unang magbakasyon sa Claveria, Cagayan para sa family reunion ng pamilya Velasquez.
Kasama ang Team Payaman, ipinasilip ng mommy vlogger na si Vien Iligan-Velasquez ang ilan sa mga tagpo ng kanilang North Luzon trip.
Isinama ng Team Payaman Wildcat na si Vien Iligan-Velasquez ang kanyang mga manonood sa kanilang nagdaang Ilocos trip sa kanyang bagong vlog.
Ani Vien, minabuti nitong sumakay na lamang ng eroplano upang madali ang pagbyahe kasama ang mga anak na sina Mavi at Viela.
Kwento pa ng 26-anyos na vlogger, ito na ang ikatatlong pagbisita nila ng asawang si Junnie Boy sa nasabing probinsya, habang ikalawang beses naman kay Kuya Mavi, at first time ng bunsong si Viela.
Unang nilibot ng Team Giyang at Team Boss Madam ang Pagudpud bago nagtungo sa bayan ng Claveria sa Cagayan.
Bukod sa masarap na pagkain, bumungad din kina Vien ang magandang beachfront view na s’yang ikinatuwa din ng Team Payaman babies.
Hindi rin nito pinalampas na masilip ang kilalang Bangui Windmills, na nagsisilbing tourist attraction sa nasabing lugar.
Matapos ang isang araw na pamamasyal sa Pagudpud, dalawang oras ang biyahe ng Team Payaman patungo sa Claveria.
Sinalubong ng haligi ng tahanan ng pamilya Velasquez na si Marlon Velasquez Sr., a.k.a Papa Shoutout ang kanyang mga anak para sa reunion ng pamilya.
Kaliwa’t kanan naman ang mga bumabati kina Junnie, pati na rin sa mga anak nito na unang beses nakabisita sa probinsya ng kanilang Lolo Val.
“Welcome kayo dito sa Claveria! Nakakatuwa, sobrang saya ko,” bati ni Papa Shoutout.
Hindi na rin pinalampas ng Team Payaman na makapamasyal, at makalangoy sa mga ipinagmamalaking karagatan ng nasabing probinsya.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nasubukan din ni Kuya Mavi ang paglalaro sa perya sa probinsya, kasama ang kanyang mga tito at tita sa Team Payaman.
Watch the full vlog below:
The energy at SM Center Muntinlupa was electric as the Viyline MSME Caravan kicked off…
Kung dati’y nakilala sa paggawa ng nakakatawang content online, isa rin ang pagsulat ng kanta…
Isang masayang food adventure sa Vietnam ang ipinasilip ni Clouie Dims kasama ang kapwa Team…
Matapos ang tatlong taon ng matagumpay na pagdadaos ng Team Payaman Fair sa Metro Manila,…
The Cortez-Ragos family, better known as the RaCo Squad, happily celebrated their little princess, Samantha…
Disclaimer: This article may contain triggering content on depression and suicide and is intended for…
This website uses cookies.