Clouie Dims Tries 7-Eleven Snacks in Thailand

Sa bagong YouTube vlog, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Clouie Dims ang kanyang mini-mukbang ng mga pagkain na nabili n’ya mula sa 7-Eleven convenience store sa Thailand.

Late-night food trip

Sa paglalim ng gabi ay nagsisimula nang magsara ang mga restaurant na malapit sa kanilang hotel, kaya naman sinamantala ni Clouie na dayuhin at gawing pantawid-gutom ang mga kakaibang snacks at wallet-friendly desserts na mabibili sa Thailand. Alamin kung anu-ano nga ba ang mga ito: 

Moist Banana Cake

Kung mahilig ka sa saging at naghahanap ng malambot na tinapay, tiyak na swak sa panlasa mo ang Moist Banana Cake na mabibili lamang sa murang halaga ng 26 baht. 

Kagaya ni Clouie, maaari na itong gawing pambaon sa malayuang byahe.

Pork rice meal

Kahit kakain pa ng hapunan kasama ang TP girls, hindi pinalampas ni Clouie na matikman ang Pork Fried Rice ng 7-11 Thailand. Sa halagang 197 baht ay aprubado ito sa panlasa ni Clouie. Ika rin nga ng mga lokal: “When in Thailand, you can’t go wrong with pork!”

Tawan Crispy Noodles Chip

Inilarawan ni Clouie ang Tawan chips bilang nagpapaalala sa kanya ng “lasang childhood.” Ito ay crispy noodle na may sweet and sour flavor na nagkakahalaga lamang sa 48 baht sa convenience store.

Milo-Roti

Ang Roti ay kilala bilang sikat na Thai street food at tinatawag ding “Thai Banana Pancake.” Ito ay inihahain na may kasamang condensed milk at minsan maaari ring haluan ng toppings kagaya ng Milo powder. Ito ang pinakagustong matikman ni Clouie at pinakapakay n’ya sa pagpunta sa convenience store at hindi naman siya nabigo sa lasa nito. 

Pang Cha milk tea

Kahit sa Thailand airport bago umuwi ng Pinas, hindi nagpahuli ang TP girls na matikman ang 2022 Michelin-recommended original Pang Cha Milk Tea na may tatlong uri ng tapioca pearls. Para kay Clouie, worth it ang bili nila sa 220 baht na milk tea.

Samanala ayon pa kay Clouie isa sa pinaka masayang karanasan niya sa kanilang quick Bangkok travel ay ang magfoodtrip. 

Ito ‘yung babalik-balikan ko sa Thailand, ang mga pagkain.”

Dagdag pa niya, paniguradong babalik siya ng bansa kasama ang nobyong si Dudut Lang sapagkat isa ito sa dream country ng nobyo na hilig din makatikim at makapagluto ng iba’t ibang cuisine. 

Ang dami pala talagang magagawa dito sa Bangkok, ang dami pang pwedeng i-try. Talagang babalik kami,” ani Clouie.

Watch the full vlog here:

viyline.net

Recent Posts

Introducing The Newest VIYLine Cosmetics’ Lip Slay Shades For Everyday Wear

Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…

2 days ago

Malupiton and Long-Time Girlfriend Are Now Engaged

Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…

2 days ago

Nobody’s Tough Like Mama: Tough Mama, The Appliance Brand Built to Last

Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…

3 days ago

Aki Angulo-Macacua Shares Journey to Achieving Stunning Wedding Dress

Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…

3 days ago

Here’s Why You Should Partner With Grentek Solutions For Your Next Big Events

In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…

4 days ago

Nourish Your Little Ones With ‘Luxe Kids’ by Luxe Beauty and Wellness

Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…

4 days ago

This website uses cookies.