Boss Keng Surprises Team With Clothing Business Opportunity

Bukod sa vlogging, isa ngayon sa pinagkakaabalahan ng King of Parlor Games ng Team Payaman na si Boss Keng ay ang pagnenegosyo.

Alamin ang surpresang hatid ni Boss Keng para sa kanyang mga kasamahan sa Boss Madam residence. 

New Business Venture

Sa kanyang bagong vlog, inanunsyo ni Boss Keng ang bagong nilulutong negosyo kasama ang kaibigan at kapwa Team Payaman member na si Adam Navea.

Isiniwalat ni Boss Keng na matapos ang matagal na pag-iipon ay unti-unti nang natutupad ang negosyong binuo nilang dalawa.

Isang munting tahian ang negosyong binubuo ng tambalang Boss Keng at Adam, kung saan tatanggap ito ng mga damit na maaaring ibenta sa madla.

“Kaunti na lang matatapos na itong ating mini tahian!” bungad nito.

Bilang pagtanaw ng utang na loob sa serbisyong ibinibigay ng miyembro ng Boss Madam team na sina Kuya Lim, Sonny J, Nigel, pati na rin ang videographer nitong si Lee sa pamilya Gaspar, may hatid na surpresa si Boss Keng.

“Pwede kayo mag-buo ng [clothing] brand na gusto n’yo, ako ang mamumuhunan. Wala ka nang ilalabas, ako bahala!” aniya.

Endless Gratitude

Hindi naman maitago ang ngiti ng tatlo nang malamang isang oportunidad na makabuo ng negosyo ang regalo sa kanila ng nag-iisang Boss Keng.

“Kuya, thank you, thank you!” pasasalamat ni Nigel.

Ani Sonny J: “‘Yon! Magtutuloy-tuloy na ‘yung negosyo ko!”

Bukod sa mga damit, inanyayahan din ni Boss Keng ang mga kasama na subukan ang iba pang serbisyo ng kanilang mini tahian gaya ng cut and sew, printing, paglalagay ng etiketa, at marami pang iba.

Para sa mga nais gumawa ng kanilang sariling clothing line bilang negosyo, bukas din ang mini tahian nina Boss Keng at Adam upang isakatuparan ang inyong pangarap na negosyo.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Mom Guilt: Pat Gaspar Gets Emotional Leaving Baby Isla for a Trip to Thailand

Kamakailan lang ay lumipad patungong Thailand ang Team Payaman girls para sa surprise bridal shower…

3 hours ago

City of Life Awards Names Viy Cortez as Entrepreneur of the Year in Biñan City

The City of Life Awards of the City Government of Biñan, Laguna named VIYLine OPC…

4 hours ago

Pat Gaspar Defends Boss Keng from Netizen Who Called Him ‘Materialistic’

Matapos ipasilip ng Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar ang surpresa nito para sa…

5 hours ago

Baao Children and Youth Choir Bags Another Win in Spain Chorale Fest

The Bicolano pride, Baao Children and Youth Choir is back in the Philippines after winning…

1 day ago

Here’s What Went Down During Team Velasquez’s Mother’s Day Celebration

Pagkabalik mula sa Thailand para sa surprise bridal shower kay Viy Cortez, nagsama-sama ang Pamilya…

1 day ago

Boss Toyo’s Partner Shares Successful IVF Journey: It’s a Baby Boy!

“Walang katumbas na saya ang maging isang ina.”‘Yan ang sinabi ng nobya ng vlogger at…

3 days ago

This website uses cookies.